Pitong sachet ng shabu ang natuklasan ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na itinago sa loob ng lata ng sardinas sa Negros Occidental District Jail.
Nadiskubre ang mga shabu sa isinagawang Operation Greyhound sa naturang bilangguan.
Ayon kay Supt. Amelito Fuentes, jail provincial administrator, nagsagawa sila ng inspeksyon sa kulungan matapos makatanggap ng ulat na may bentahan ng shabu na nagaganap sa pagitan ng mga preso.
Nang halughugin ang bawat selda at ang buong pasilidad, natuklasan ang isang lata ng sardinas sa garden at nangĀ buksan, nakita ang dalawang medium sachets at limang small sachets ng shabu sa loob nito.
Hinala ng mga tauhan ng BJMP na nataranta ang presong may ari ng shabu kaya itinapon na lamang sa garden ang lata ng sardinas nang malamang may gagawing inspeksyon.