Shaina, pagkakaitan ni Denise ng ligaya

KAPANA-PANABIK ang mga ganap sa pagtatapos ng teleseryeng The Better Half.

Patuloy na ipagkakait ni Bianca (Denise Laurel) ang masayang buhay kay Camille (Shaina Magdayao).

Ilalagay niya sa panganib ang mga mahal sa buhay ng mortal niyang kaaway sa araw ng kasal nito.

Hindi titigil sina Rafael (JC de Vera) at Marco (Carlo Aquino) na pigilan ang kasamaan ni Bianca at sisiguraduhing pagbabayaran niya lahat ng kanyang kasalanan.

Makuha pa kaya ni Camille ang masayang buhay na inaasam niya kasama si Rafael?

Paano mapoprotektahan ni Marco si Camille mula sa panganib? Mahulog kaya sila sa patibong ni Bianca?

Tutukan ang pagtatapos ng kuwento ng mga buhay na pinagsama-sama at sinira ng pag-ibig sa The Better Half, pagkatapos ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).