Kapansin-pansin na siyam na apoy ng emoticons ang comment ni Edgar Allan Guzman sa sexy photo ni Shaira Diaz.

Mukhang nag­lagablab o super hot ang dating sa kanya ng girlfriend. Nag-reply naman ng emoticons na tumatawa ang Kapuso actress

Matatandaan na sinabi ni EA na split na sila noon ni Shaira pero marami ang hindi naniniwala. Nu’ng magpunta ng New York si EA nasa New York din ang aktres. Ang tanong nga noon ay sabay ba silang nagbiyahe kahit break na?

Hindi kaya nagkabalikan na ang dalawa lalo’t umalis na si EA sa dati niyang manager?
Si Shaira ay huling napanood sa “Pamil­ya Roces.”