Kung makabira ay aakalain mong wala siyang kasalanang mortal at nagmamalinis sa kanyang mga chikang wagas ang kanegahan.
Sa isang ribbon cutting, guest siya at ang nyortistang matagal-tagal nang nagpahinga sa showbiz, pero kilala pa rin dahil sa naging teleserye nito noon.
Puno na ang venue… unang dumating si dating artista at excited na makita ang tinuring niya ring kaibigan.
Na-late si tv/radio personality. After ng isang oras, dumating na ang hinihintay.
Beso-beso muna siyempre at eto na si Father, umpisa na ng prayer at nag-sign of the Cross na ang mga utaw.
Rinig na rinig ni dating actress nang kumuda si TV personality ng, “Bakit may ganyan-ganyan pa?!” with matching wagas na simangot.
Biglang harap si actress at tinitigan nang matalim si TV personality at ang sabi, “Respeto lang, please! Kung ayaw mo, umalis ka na lang. Hindi namin kailangan ang demonyo dito!”
Nakialam na rin ang owner at pinakiusapan si TVpersonality na umalis na lang bago sunugin ng mga taong gusto na siyang bugbugin.
Si kupal taberna sino pa ba