Katakam-takam pagmasdan ang alindog ni Shane Tormes. Ito ang makikita sa isa sa kanyang Instagram post habang nasa magandang isla ng Boracay.
Ang kakaibang taglay na kaseksihan ni Shane plus ang whistle bait niyang figure ay isang magandang tanawin para sa maraming kalalakihan. Hindi kataka-taka kung malakas ang dating ng dalaga lalo na kapag nakasuot ng two piece bikini, isa kasi siya sa madalas maging finalists sa mga beauty pageant.
Si Shane ay sumali sa Miss Philippines Earth 2017. Noon namang sumunod na taon, siya ay lumahok sa Binibining Pilipinas 2018. Dito’y nasungkit din ni Shane dalawang special awards, ang Miss Friendship at Best in Talent sa finale ng Binibining Pilipinas 2018.
Balitang sasali siya ngayon sa Miss Philippines Earth.
Siya ay may Tourism Management degree sa Polytechnic University of the Philippines. Si Shane ay isa ring model at singer.
Umaapaw sa hotness si Shane sa taglay niyang kaseksihan at wow na wow na legs. Animo siya isang nakapaglalaway na pulutan, na masarap papakin anumang oras.
Masasabi ngang kinarir na niya ang pagpapaseksi. Sapat ang kanyang sexy photo, para maging malikot ang imagination ng mga pilyong boylet. (Nonie Nicasio)