Iluluklok sina ­Shaquille O’Neal, Allen Iverson at Yao Ming sa Naismith Basketball Hall of Fame ngayong weekend, at pumili pa siya ng apat na all-time greats para i-present siya sa ceremony.

Sa interview ni Shams Charania ng The Vertical, sinabi ni Shaq na sina ‘Famers Bill Russell, Julius Erving, Alonzo Mourning at Isiah Tho­mas ang magpe-present sa kanya sa Springfield, Massachusetts.

Matagal nang sina­sabi ni O’Neal na pabo­rito niya si Erving, at nasa top five niya si Russell. Sina O’Neal at Mourning ang top 2 sa 1992 NBA Draft at naging teammates sa Miami Heat. Kasama niya si Thomas sa Turner Sports.

Naging puwersa si 7-footer O’Neal noong kapanahunan niya sa NBA, may four titles, three Finals MVPs, one regular season MVP, 14-time All-NBA.

Hindi pahuhuli si Iverson, kilala rin sa makulay na career sa Philadelphia 76ers. I-induct siya sa HOF ng dati niyang coaches na sina Larry Brown (76ers) at Jason Thompson (Georgetown), at Sixers legend Erving.

Ang Great Wall na si Yao ang first pick overall ng Houston noong 2002. Taong 2011, inihayag ng 7-foot-6 giant ang retirement dahil sa foot at ­ankle injuries.