Shaq pass sa HoF ceremony ni Kobe

Ramdam pa rin ang bigat sa dibdib kaya walang planong dumalo si Shaquille O’Neal sa 2020 Hall of Fame ceremony ng yumao niyang kakamping si Kobe Bryant.

Inamin ni former NBA star Shaq na hanggang ngayon ay ‘di pa niya matanggap at masakit pa ring isiping patay na ang kanyang tandem sa court kaya tingin nito ay hindi niya kakayanin kapag dumalo pa siya sa nasabing seremonya.

“Still miss him. Still think about him every day,” pag-amin ni Shaq.

Kung ang basketbolista ang tatanungin kung gaano kasakit ang pagkawalay niya kay Kobe, ‘out-of-ten’ ay nasa 2 na lang ito ngunit kung dadalo siya sa nasabing parangal ay baka humugot uli siya.

“Would bring me back to a 7, 8, 9 and I can’t right now,” wakas na pahayag ni O’Neal.

Kabilang si LA Lakers legend Kobe Bryant sa listahan ng kukuha ng 2020 Hall of Fame award kasama sina Kevin Garnett at Tim Duncan na nakatakdang ganapin sa Agosto. (ADE)