Malaya pa rin umanong makapagpoprotesta ang mga grupong kumokondena sa paghihimlay kay da­ting Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

“Dito naman sa uso man, may Yellow Movement man on the 30th. I say, I still give the guarantee. You can freely demonstrate anything you want, anything at all,” ani Pangulong Duterte kasunod ng panibagong rally na itinakda sa Nobyembre 30.

Dahil sa napansing pagdagsa ng mga tinaguriang millennials sa “Black Friday protest” ay sinabi ng Pangulo na nirerespeto niya ang karapatan ng mga ito na magpahayag ng kanilang saloobin.

“I share their plight. Like I said, I may disagree by what you say but I will defend your right to say it. That’s…that’s our borrowed terms, words,” ayon pa sa Pangulo.

Katulad ng naunang posisyon, wala rin aniyang kailangang humingi ng permit sa mga magpoprotesta.

Maaari rin aniyang magkalat ang mga demonstrador at lilinisin na lamang ng gobyerno.

“At saka I really use — may order ako, restricted ang, Armed Forces, mga military sa kampo, pulis lang ang mag-ano.

And they can demonstrate without a permit. ‘Yung open public places, huwag naman ‘yung mga building kaya nagtatrabaho, eh. Open public places, no limit. Pagsabi mong you want to demonstrate for one week, fine. One month, still okay. One year yeah, walang problema,”dagdag pa ng Pangulo.­

31 Responses

  1. WHAHAHAHA ISA LANG ANG IBIG SABIHIN NG PANGULO…WALA SYANG PAKIALAM!…WHAHAHAHA

    KAHIT ARAW ARAWIN NYO PA ANG PAG RARALLY NYONG MGA BWISIT NG BAYAN E WALA SYANG PAKIALAM SENYO!…WHAHAHAHAHA

    KUMBAGA E SEEN ZONE LANG KAYO!…WHAHAHAHAHAHA

  2. marunong rumispeto ang pangulo sa mga tao na ngprotesta pero dapt ang mga taoo marunong din umuunawa ng desisyon dahil nalibing na wala ng magagawa kundi tnaggapin ang katotohanan!

  3. ayan marunong umintindi ang pangulo pero ang mganda sanang gawin dito ehh magtigil na sa pag protesta para naman maging tahimik na ulit ang pilipinas move na kasi dapt