Sharlene kinabog sina Nash, Kristel, CJ

Palabas na sa 150 cinemas ang Class of 2018. Mula sa pa­nulat at direksyon ni Bebs Gohetia, ang mga bida rito ay sina Sharlene San Pedro, Nash Aguas, Kristel Fulgar at CJ Navato at mga newbies na talagang ginawa ang lahat para maging exciting roller coaster film ride ang bagong pelikula.
Sa true lang, medyo ambitious ang pelikula, para siyang morality play na ipinapakita ang good and bad traits ng mga kabataan sa kasalukuyan.
Na kulang sila sa parental attention and guidance kaya they resort to enjoying hedonistic things.  Na mas engaging sa kanila ang trivial pursuits, ang pagsunod sa mga raging hormones nila. Na hindi puwedeng isisi sa lahat sa kanila kasi nga they were already born is a world that is almost destroyed and shattered. Na sila pala ay pawns na lang in this cruel, cruel world and survival is not only for the fittest, but for people na emotionally healthy and secure to the core truths they believe in.
Kahit pa nga maraming chika tungkol sa mga legit na dugo at pasa ang natamo ng mga bida sa pelikula, ang mga legit na dahilan kung bakit dapat itong panoorin ay sina Kiray Celis, na hindi sinasadyang mang-agaw ng mga eksena kasi she is naturally funny in all her scenes. Siya lang naman si Venus, ang Queen Bee of the Mean Girls sa Class Zaragoza.
Bet ko rin ang kakikayan at pagiging biba ni Kristel Fulgar. Anyone who can say with so much aplomb ang linyang,” Ano, magwo-walk out ba agad tayo, di man lang tayo magmo-moment?” truly deserves a round of applause. Bigyan ng jacket, iyan!
CJ Navato, ang batang bedimpled na fee­ling ko puwedeng maging anak ni Aiko Melendez dahil ang mukha niya, parang kay Aiko na naging lalaki. Siya ang unknown bright boy na maraming kamalayan at kaalaman tungkol sa mga pagbabagong nangyayari sa kanyang mga classmate.
John Vic Guzman is beefy and mighty at panalo ang hubad baro scene niya. Sana mas marami pang mga hubad baro scene at hindi lang pa-sleeveless para mas masaya at mas maraming wet, wet, wet.
Of course, Nash Aguas is a delight at tala­gang natural charmer ang binata pero ang pelikula talaga ay dinala ni Sharlene San Pedro. Kinabog niya sina Nash, CJ at Kristel.
Ang young miss na ito can kick serious ass at iba ang screen presence. Bongga ang kanyang arrive, mapa-fight scenes, tender moments, eksenang iyakan, super pasok sa banga na siya ang nagbigay sa katauhan ni Ada. Sa true lang, she nailed it!
Dapat nating palakpakan na may kasamang sigawan si Rex Tiri, ang Jedi at Force behind T-Rex Entertainment na ang passion sa buhay ay gumawa ng mga pelikulang dekalidad, na may semblance of a balance and mix of commercial vialibility and artistic excellence
Enzo nag-out sa ‘Tawag ng Tangahalan’
Speaking of millennial, ang dating 1/4 of the bubble group Sugar Pop, si Enzo Almano naging contestant sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.
Given na Almano can carry a tune and sing good pero mas bonggang given sa nangangarap na mabigyang puwang muli sa showbiz ay ang katotohanang out and proud siya sa kanyang pagiging young gay millennial.
Kasama ni Enzo sa patimpalak kantahan ang kanyang boyfriend na Ceejay ang ngalan at ang kanyang Tatay Roman na ang sinambit sa show patungkol sa sexual orientation at preference ng anak ay, “Palagi naman akong supportive and I always support the things I cannot change.”
Ang jowang si Ceejay, ang hanash tungkol sa ka dad ni Almano, “Close na close naman kami.”
O ‘di ba, magbunyi at magpalakpakan tayo dahil it is not every day a young pink couple, kahit sandali ay binalandara sa telebisyon ang kanilang kakaibang pagmamahalan na may blessing pa of a tatay, no less.
Maluha-luha si Enzo dahil sa pangyayari at sa kaniyang pana­yam with Vice Ganda at Mariel Rodriguez, ang kuda nito, “Bago ako sa sumali sa TNT at kung sakaling makakabalik ako sa showbiz, I want to inspire through wisdom and my voice. And mas magiging credible akong mag-inspire kung magpapakatotoo ako in the first place. Gusto kong maging boses at inspirasyon ng mga batang LGBTQ members.”
Kung ang ibang lalaking nagnanasa, nagmamahal at nakikipagtalik sa kapwa nila lalaki pero ayaw maturingang bakla, they should and must take a cue from this courageous young man of twenty two summers.
Si Queen Bayot kaya, ma-inspire ni Enzo na buong ningning na ipinakilala sa madlang pipol ang kanyang kasintahan na kasama pa ang papa dearest? Dahil kaya sa pangyayaring ito, ilalabas na siya sa dilim ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso at nagpapagalit sa kanyang mga ugat?
Ang gandang gawing drama anthology or maging inspirasyon para sa isang pelikula at stage play ang buhay ni Enzo Alamano kasi tiyak maraming makaka-relate.