Sharon, Angel hindi kinakalaban si Duterte

NI: VINIA VIVAR

Naglabas ng paglilinaw si Sharon Cuneta na hindi nila kinakalaban si Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng ginagawa nila ngayong pakikipaglaban para sa ABS-CBN.

“Mga kaibigan at Kapamilya, Gusto lang po namin linawin na we at ABS-CBN are not fighting the President. We are fighting to withdraw the Cease and Desist order issued by the NTC. Galing din po sa Boss namin yan. Para lang po malinaw. Salamat po,” ang post ni Sharon sa kanyang Instagram last Monday.

Ang post na ito ni Sharon ay pagtatanggol marahil sa mga kapwa niya Kapamilya stars na katakot-takot na pangba-bash ang inaabot mula sa mga DDS (die-hard Duterte supporters).

Sa comments section ay maraming netizen ang nagsabi na hindi raw ganito ang ipinapakita ng ibang Kapamilya stars na panay raw ang rant sa Pangulo. Isa sa nabanggit nila si Angel Locsin na nagbigay ng pahayag kamakailan na nagsisisi siya sa pagboto kay Digong.

Pero nilinaw ni Angel sa isang video na naka-post sa Facebook na hindi ito laban sa government. Ang nilalabanan daw niya ay mabigyan ng extension ang prangkisa ng Dos.

Ni-lambast din ng netizens sina Coco Martin na lately ay sunod-sunod din ang rant at si Maris Racal na nakapagsalita rin nang hindi maganda tungkol kay Pres. Duterte.

Komento ng isang netizen, “alam po namin un. Pero ung ibang artista po handa daw pong pumatay. Akala ata nya nasa probinsyano pa sya.”

Pahayag naman ng isa pa, “salamat sa clarification… Kasi yung ibang hinaing ng ibang artista kundi Presidente eh fans ang ‘parang’ kinakalaban… Dapat talaga NTC ang kwestyunin kung me ‘dapat ipaglaban eh dapat ipaglaban.”