Sharon at Anne nagtuos kay Gong Yoo

Nagkita-kita ang mga reyna ng Viva sa lamay ng pumanaw na ina ng Viva big boss na si Vic del Rosario, Jr.
Ang gandang makita sa isang frame nina Sharon Cuneta-Pangilinan, Regine Velasquez-Alcasid, Anne Curtis-Heussaff at Sarah Geronimo na pawang ‘angels’ ni Boss Vic.

Si Sharon ay may pinost na pics na sa wakas ay nagkita at nagtuos na raw sila ni Anne, na ‘kaagaw’ niya sa Korean actor na si Gong Yoo na pareho nilang iniilusyon.

Sey ni Mega, sinabihan niya si Anne na enjoy-in muna ang pagiging bagong kasal at sa kanya muna si Gong Yoo for the next 20-40 years dahil sure naman daw na mauuna siyang magmukhang raisin.

May pic din si Shawie with Regine and Sarah, at gusto niya sana ng pic nila ni Sarah na silang dalawa lang, kaya lang ay dumami na raw ang tao sa wake nang kumanta ang Popstar Princess at hindi na niya ito nahabol after.

May swit-switang kuha ang Megastar kasama si Songbird na mahal na mahal daw niya.

Pangarap daw ni Sharon na maka-share ng stage si Regine sa isang concert, pati na rin sa movies at recording.

“Basta magkasama ka­ming dalawa! She and Ogie are two of my favorite artists. But much more important than that, they are two of my favorite people.

“I am so blessed to be able to call them my friends. What a couple. God bless you both and Nate. I love you, my Reg!!!” sambit ni Mega, na parang gigil na gigil habang nakayakap at kiniki-kiss si Regine.

Hindi pa nga nagkakasama sa pelikula ang dalawa at magandang idea na pagsamahan sila, lalo na kung ka-join din sina Anne at Sarah. (Allan Diones)

Dominique sinermunan si Gretchen

Nag-sorry na si Gretchen Barretto sa ginawa niyang pagtawa kasama ng kanyang mga yayamaning amiga, habang binabasa ang isang sulat na pinadala ng Instagram follower niya na humihingi ng tulong.

Inako ni Gretchen ang res­ponsibilidad sa nangyari at humingi ng paumanhin sa nagawang pagkakamali.

Aminado si Greta na rude, inappropriate at unlady-like ang inasal nila, so humingi siya ng apology sa nagpadala ng sulat, na agad din daw tinanggap ang kanyang personal na apology.

Inamin din ng magandang aktres na immature siya at sinabihan daw siya ng anak niyang si Dominique Cojuangco ng, “Mom, you gotta grow up, you know,” na sinagot niya ng, “Yes, and I’m trying my best to grow up. Masyado lang po akong happy-go-lucky.”

Nilinaw niyang hindi nila pinagtawanan na magkakaibigan ‘yung mga may sakit na nabanggit ng letter sender, pero nag-viral kasi ang video ng pagtawa nila habang nagbabasa kaya na-bash sila dahil dito.

Marami raw natutunan si Greta sa nangyari at nagpasalamat siya sa followers niyang suportado pa rin siya, pati na sa bashers dahil natuto raw siya sa mga ito.

In fairness ay pinupuri ang Instagram charity project ni Gretchen na nagsimula nu’ng Easter Sunday, na binibigay niya ang iba’t ibang kahili­ngan ng kanyang IG followers.

Ito rin daw ang naging daan niya to get in touch with the real world bilang may sa­rili silang mundo ng kanyang mga kaibigan.

“Meron kaming sariling mundo. Marami rin kaming ginagawa. Nanay rin po ako. ‘Kabit’ nga rin po ako, ‘di ba, gaya ng sabi ng karamihan?” diretsong sambit ng 24-taon nang live in partner ni Mr. Tony boy Cojuangco sa kanyang IG Live.

Itutuloy pa rin daw ni Gretchen ang nasabing wish-granting activity sa tulong ng mga kaibigan niya.

Actually, maraming natuwa na ang laki ng ipinagbago ng IG feed ni Greta na dati ay parang panay kababawan at pagyayabang lang bilang nakakariwasa nga siya sa buhay.

Kung dati ay puro OOTD, masasarap na pagkain, mamahaling alahas at gamit ang pinu-post niya sa social media, ngayon ay ang ginagawa niyang pagtulong sa mga nangangailangan ang laman nito.