Sharon ‘di imbitado sa Aliw

Wagi ang tambalang Sharon Cuneta at Regine Velasquez ng Best Collaboration in a Concert para sa “Iconic” nilang pagsasama sa Araneta Coliseum nu’ng October.

Si Regine lang ang nakadalo sa 32nd Annual Aliw Awards dahil ayon sa post ni Sharon ay hindi niya alam ang tungkol sa nasabing awards night. Kalerky!

“Maraming salamat po, Aliw Awards! Sorry po ‘di ko alam kaya po wala ako! It’s truly okay. I am honored as much as Regine is!

“God bless us all and thank you again to all of you who watched and suppoted ICONIC!!! Regine and I really appreciate and love you!!” sey ni Mega sa kanyang IG post.

Papuri niya kay Songbird, “Thank You Father God for this award of Best Collaboration in a Concert with my Regine!!! Congratulations, my dearest Nana! Best partner on stage ever!!! Iba talaga pag may LOVE na tunay!!! Iisa lang ang Regine Velasquez. I shone brighter onstage with you beside me.

“My Sharonians love and respect you, and I love your Reginians for the love and respect they have shown me too! I love you very much and I am so very proud of us!!! GOD IS TRULY GOOD. Kasi binigyan ka Niya ng talents AT puso. Yun ang mahalaga. Mahal na mahal kita at naming lahat!!! Woohoo!!!”

Ang sabi naman ni Regine sa kanyang post, “Maraming salamat sa pagkakataong makasama ka. Isang pangarap na bituin lang para sakin pero nangyari.

“Thank you so much ate @reallysharoncuneta for the opportunity to be with you on stage but more than that I thank you for your friendship. Hindi pa rin ako makapaniwalang friendship kita.

“Sabi ko nga sayo highlight to ng buong 30 years ko congratulations ate I love you #iconic Congratulations din kay kumare kong Lani at kumpare kong Martin.”

Wagi rin bilang Entertainer of the Year si Regine. Present din si Lea Salonga na tumanggap ng People’s Choice Award.

Nandu’n ang awardees sa iba’t ibang kategorya, bukod tanging si Sharon lang kaya ang hindi naimbitahan ng Aliw Awards? Kalukring!

Frankie natakam sa fried chicken ng ‘Pinas

Dumating na ang ‘favorite daughter’ ni Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan mula New York para mag-holiday vacation dito sa ‘Pinas.

Nakakatuwa ‘yung video na pinost ni Ms. Shawie sa kanyang YouTube channel na sobrang na-miss ni Frankie ang McDonald’s Fried Chicken sa Amerika.

Nu’ng nasa New York ay nagki-crave daw ito ng Chicken McDo, eh wala nito sa Amerika. Naiintindihan daw ni Kakie na walang rice doon, pero wala ring chicken ang McDo na para sa kanya ay best dish nito.

Nagrereklamo si Frankie dahil ang basic daw ng McDo sa US at wala man lang McFlurry o anything cool. Kaya love niya raw ang McDo dito.

Ang mga request niyang food at kinain nilang pamilya. Merong sinangag, longanisa at tender juicy hotdog.

May pa-welcome pang Happy Birthday na letter balloons sa room niya at nagkulitan sila ng mga kapatid niyang sina Miel at Miguel.

Halatang na-miss ni Kakie ang mga yaya nila na isa-isa niyang niyakap bago siya kinantahan ng happy birthday ng mga ito with matching birthday cake.

Si Frankie ‘yung nagreak nang bongga nu’ng sabihin ni Presidente Digong na pinapalayas na ni Sharon ang mister na si Kiko Pangilinan sa bahay nito.

Ang Megastar ay very diplomatic ang reaksyon dahil close daw ito sa Pangulo mula pa nu’ng bata si Davao Mayor Sara Duterte.

Sa isang interview ay kinumpirma ni Mayor Sara na 12-anyos pa lang siya ay magkakilala na sila ni Mega at hanggang ngayon daw ay may contact pa rin sila at nagbabatian kapag may mga okasyon tulad ng birthday at Pasko.

Nag-ninang si Inday Sara sa kasal ni Jolo Revilla kay Angelica Alita sa Pelican Hills sa LA.