NI:MILDRED A.BACUD
Kagabi naganap ang online Mothers Day concert ni Sharon Cuneta titled Sharon Love and Music.
Nakalikom ito ng higit sa 2 milyong donasyon para sa Pantawid Pag-ibig ng ABS -CBN.
Pero hindi pa rin talaga tumitigil ang mga basher at kinukumpara ang nasabing online concert ni Mega sa naging online birthday concert ni Regine Velasquez kamakailan lamang .
Higit 4 million kasi ang nalikom na donasyon ng Songbird. In fairness nag-donate naman si Sharon ng 1 milyong piso.
Biro nga ng iba dapat daw nag-donate din si Regine ng parehong halaga.
Medyo late na rin kasi ang fundraising concert na ito ni Mega.Marami na ang gumawa nito.Ubos na rin marahil ang budget ng mga malalaking kompanya at sponsors. Kahit ang mga fan niya ay nauna na ring tumulong sa mga nangangailangan.
Hindi rin naman dapat pagkumparahin amg dalawa dahil iisa lang ang layunin nila. Ang importante ay ang effort na mag-raise ng funds para makatulong sa ating mga kababayan.