tonite-imo-vinia-vivar
Binigyan na ng welcome message ni Sharon Cuneta si Regine Velasquez sa paglipat nito sa ABS-CBN.
Sa recent Instagram post ni Megastar, ipinahayag niya ang kanyang excitement nga­yong nasa iisang bahay na sila ng Asia’s Songbird.
Ipinost ni Sharon ang promo poster ni Regine for ASAP Live in Sydney on Oct. 20 kung saan ay kasama na nga si Songbird at sa caption, saad niya, “My Songbird and I now live in the same HOME!!! Woohoo!!!!!!!!! Welcome, my Regine!!!!!!!!”
Nag-reply naman si Regine at nagpasa­lamat kay Sharon.
“Ayhiiii thank you my Mega I love you,” sagot ni Songbird.
Bagama’t marami namang positibong mga comment sa post ni Sharon, may mga netizen pa ring bitter at tila hindi masaya sa paglipat ni Regine.
May nagsabing wala raw isang salita si Regine at may nagkomento ring wrong move raw ang ginawa ni Songbird. Marami ring nagsabing nalungkot sila at na-disappoint.
Ang iba naman ay hindi pa rin makapaniwala at umaasang guesting lang ang gagawin ni Regine sa ASAP dahil hindi pa naman daw inaanunsyo ni Songbird na lumipat na siya officially sa ABS-CBN.
Pero marami rin namang masaya for Regine lalo na ang mga loyal fan niya na nagsabing susuportahan pa rin nila ang idolo kahit nasaan ito.
***

Mega galante kay Kris

Still on Sharon, ang galante pa rin talaga ni Megastar dahil pinasalu­bungan niya ng pink Gucci shirt si Kris Aquino nang magpunta siya sa Seoul, Korean recently. Ipinost ng Queen of All Media ang kanyang pasasalamat sa Instagram kasama ang larawan ng pasalubong.
Kuwento ni Kris sa kanyang post, habang nasa Gucci store raw si Sharon sa Seoul ay pinapadalhan siya ng mga picture ng mga item na puwede niyang magustuhan.
“It was so kind of her, and I told her it’s more than enough she thought of me,” ang parte ng post ni Kris.
Sinabihan daw niya si Sharon na malaki ang gastos nito sa kampanya ng kuya nitong si Chet Cuneta na as we all know ay tatakbong Mayor ng Pasay.
“Your affection is more than enough,” sey daw niya kay Sharon.
Sagot naman daw ni Mega, “It’s really okay. Make me happy naman choose one. Not naman regularly i shop for you eh!!!”
Ayon pa kay Kris ay sobrang blessed niya na dumating sa buhay niya si Sharon.
“I am blessed she came into my life & chose to take me under her wing,” post pa ni Kris.
***

Malakas na sampal ni Kate kay Mikee, ‘di sadya

 

Maging si Kate Valdez ay nagulat sa lakas ng sampal niya kay Mikee Quintos sa isang mainit na eksena nila sa Onanay na ikinabingi ng 2 araw ng huli.
“Honestly, ako rin po ay nagulat sa nangyari. ‘Yung scene na kinunan namin that time ay mabigat,” pahayag ni Kate nang kunan namin ng pahayag tungkol sa nangyari.
“So, expect na po natin na mabigat din ang mga emotions namin. In my case, hindi ko nakontrol ang emotion ko. Hindi ko naman ginusto at sinadya ang nangyari,” dagdag pa ni Kate.
Ayon pa aktres na gumaganap na Nathalie sa Onanay, ay parte na rin daw ng trabaho nila ang mga ganitong hindi inaasahang pangyayari at pinuri si Mikee sa pagiging professional nito.
“Part ng trabaho ng isang aktres ‘yan kaya po sana, walang personalan. Trabaho lang. And I can say na Mikee is a professional,” sey pa ni Kate.
Nabanggit na rin ni Mikee na talagang pinag-uusapan nila ni Kate kung paano nila ie-exe­cute ang mga ganitong mabibigat na eksena and as much as possible ay gusto raw talaga nilang lumabas na totoo ang scene at hindi fake.
Hindi naman naapektuhan ang friendship ng da­lawa pagkatapos ng nangyari and in fact, okay na okay pa rin daw sila.