Very jolly at game na game si Gabby Concepcion nang humarap sa media sa presscon ng Beautederm last Saturday.
Dito’y natanong ang actor kung sino sa tatlong naging leading lady niya ang gustong regaluhan ng Beautederm products. Nabanggit niya sina Lorna Tolentino at anak na si KC Concepcion na naging leading lady din daw niya noon.
Umiwas si Gabby na banggitin ang ikatlong leading lady. “Iyong pangatlo, sana ay matuloy ang pelikula namin… gusto ko munang tingnan kung tatanggapin niya ‘yung product.
“Sino? Saka na kapag nag-umpisa na yung shooting. Balita ko kasi mayroon siyang ibang ginagawang mga project ngayon. So, matapos na sana, baka puwede na,” sambit ni Gabby.
Nang tanungin kung puwedeng pangalanan ang tinutukoy na aktres, sinabi ni Gabby na, “Next time na lang, baka sabihin ginagamit natin sa publicity.
“Tingnan na lang natin kung mabuo iyong mga plan, kasi medyo nasa planning stage pa rin. Pero okay na, nakapag-usap na kami and positive naman.”
Nang tumbukin kung si Sharon ba ang tinutukoy niyang leading lady, bumigay na si Gabby.
“Ah siya ba? Sige na nga, sige na, huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Hinihintay lang namin pagkatapos ng show niya. Congratulation nga pala sa kanyang concerts, sa kanilang dalawa ni Regine (Velasques).
“Idol ko iyang dalawang iyan pareho, bata pa lang ako ay pinapanood ko na sila. Sana ay maging matagumpay ang mga shows nila para kami naman ay makagawa naman dito locally. Siyempre ay involve na riyan ang BeauteDerm.”
Nabanggit pa ni Gabby na noong araw pa niya gustong maging okay sila ng kanyang ex-wife.
“Noong araw ko pa naman gustong maging okay lahat, nagkakaroon lang ng misunderstanding, misinterpretation, mixed emotions, different feelings, may mga nakakarinig dito, nabubulungan dito… maraming ganoon, eh.
“So, ngayon ay nakapag-usap na kami, at least ay diretsuhan na kami sa kuwarto, kami lang dalawa. Wala nang ibang nasa kuwarto, kami lang dalawa. Kaya sana ay mabuo… iyong mga plano namin na matuloy iyong pelikula.
“Next time na ma-corner ko siya Rei, isama kita, isasama ko iyong Beautederm na baka puwedeng subukan din niya ito,” pahayag pa ni Gabby sa lady boss ng Beautederm na si Ms. Rhea Tan na katabi niya sa table. (Nonie Nicasio)