Sharon-Gabby, nagpakilig sa durian

Gabby Concepcion

ANG durian kaya na ipi­nadala ni Gabby Concepcion (sa pamamagitan ni Ara Mina) sa ex-wife na si Sharon Cuneta ang maging daan para tuluyang magkaroon ng katuparan ang reunion movie ng pinakama­tinding loveteam noong 80’s?

Kilig-kiligan kasi ang fans sa ginawang ‘yon ni Gabby, huh!

Pati ang anak nila na si KC Concepcion, nag-comment sa pinost ni Sharon na “thank you” sa Instagram (@reallysharoncuneta) para sa ex-husband.

Puwede na bang ituloy ng Star Cinema ang reunion movie nina Sharon at Gabby?

Kung sakali man, huwag na sanang maging issue ang napakalaking ta­lent fee raw na hinihingi ni Gabby para matuloy na ang proyektong ‘yan, ‘noh?!

Samantala, may sisimulan daw kaagad na pelikula si Sharon na may playdate na kaagad (sa Nobyembre raw), kaya magtutulog na raw siya dahil tiyak na puyatan sila palagi dahil two months lang gagawin ang proyektong ‘yon!

***

Making history na naman ang Concert King na si Martin Nievera dahil ‘yung two shows niya sa Blue Note Hawaii sa Setyembre 4 ay parehong sold out na.

Kaya ang producer ay nag-request sa kanya na magkaroon pa ng isa the next day.

Sa text message sa amin ni Martin kahapon, sinabing masaya siya sa pagkakaroon ng two sold out shows sa Hawaii, kaya pinagbigyan niya kaagad ‘yung request na magkaroon pa uli ng show sa Setyembre 5.

Si Martin ‘yung tipo ng performer na walang kapaguran.

Si Martin ‘yung basta nakikitang happy ang mga tao sa performance niya, never tumatanggi na magkaroon pa ng ano­ther performance.

Si Martin din lang ang nakita naming singer na walang pakialam kahit na ilang oras pu­mirma ng autograph at magpa-picture kasama ng mga nagsipanood ng kanyang show.

Betong, nakakaipon na

Solenn Heussaff at Betong Sumaya
Solenn Heussaff at Betong Sumaya

Dahil certified host na ng All-Star Videoke na magpa-pilot telecast na bukas sa GMA 7, marami ang natutuwa para kay Betong Sumaya.

At least, lalong bomobongga ang career ng comedian na matagal ding nagsumikap bago tulu­yang napansin.

Sabi ni Betong, “Na­tutuwa ako kasi kami ni Solenn (Heussaff) ‘yung pinagkatiwalaan ng GMA dito sa napakala­king project na ito.

“As we all know, inaabangan talaga ito ng viewers noon, di ba? Sobra ‘yung excitement ko kasi following the footsteps of Allan K., Jaya and Arnell Ignacio.

“Ang laki ng shoes to fill in so I feel blessed and challenged at the same time!”

Sa ngayon, panga­lawa ang All-Star Vi­deoke sa regular shows (ang Bubble Gang ang una) ni Betong sa Kapuso network, kaya stable na ang kanyang income.

Noon kasi, aminado si Betong na medyo lugmok siya sa utang.

May pagkakataon noon na hinabol-habol pa siya ng credit card company, pero naayos din niya ‘yon nang magkaroon na siya ng mara­ming guestings sa GMA 7 at GMA NewsTV.

Nakakaipun-ipon na si Betong, kaya sobrang thankful siya sa GMA 7!

***

In fairness, marami ang kinikilig sa trailer ng pelikulang FanGirl/FanBoy nina Ella Cruz at Julian Trono at bagay sila sa isa’t isa.

Marami rin ang nakapansin na compared noong nasa GMA 7 pa lang siya, mas may da­ting na si Julian ngayong nasa Viva Artists Agency na siya.

Sa tsikahan namin ni Ferlin Buenviaje ng PR department ng Viva, puring-puri niya si Julian dahil hindi lang daw magaling umarte at magsayaw ang binata, napa­katalino rin daw.

“Sobrang may ‘laman’ si Julian kapag kinakausap mo!” sey ni Ferlin.

Pati si Bb. Joyce Bernal na nagprodyus ng FanGirl/FanBoy for Viva Films ay hanga rin kay Julian, pati na kay Ella, kaya tinanggap niya ang offer ng nasabing movie company para pamahalaan ang production ng pelikulang ‘yon.