
Mukha talagang very much ready na si Sharon na maging mother-in-law sa boyfriend ni KC Concepcion na si Pierre Plassart. Nabanggit na naman niya ang French guy sa kanyang Instagram Live last Sunday.
Aniya, maganda raw ang influence ni Pierre sa kanyang panganay na anak.
“KC and I are perfectly fine. I love my baby girl so much. Pierre has been such a great man and influence to KC and he’s really part of the family, whether magkatuluyan sila o hindi, he’s really part of our family na,” pahayag ni Megastar.
Kaagad niyang dugtong, “pero feeling ko, mukha namang. . . hmmmm” sabay-bungisngis na parang sinasabi niyang mukha namang magkakatuluyan na ang dalawa.
“Nagbalikan kasi kaya they realized how much they missed each other,” dagdag pa niya.
Nag-IG Live si Sharon matapos ang kanyang pagmu-muse sa Magnolia team ng Philippine Basketball Association (PBA) na nagbukas na last Sunday held at the Philippine Arena.
Sa umpisa ng kanyang IG Live ay sinabi niyang gusto niya raw sanang magsuot ng sash sa event dahil ang gaganda at ang bagets daw ng ibang muse kabilang na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
“Nakita ko si Pia, ang ganda-ganda! Si Miss Universe. Gusto kong magsuot ng sash na Miss Intergalactic Manok,” pagbibiro pa niya.
Nagbigay din ng update ang Megastar sa kanyang pinagkakaabalahan. She’s currently doing her first horror film under Reality Films na idinidirihe ni Erik Matti. Sobrang excited siya about it.
Pero aminado rin siyang medyo stressed siya ngayon at masama ang pakiramdam that night.
“I have to say I’ve been so stressed and a little bit sad. But I’m happy because we had a break pa naman from shooting with direk Erik Matti and Reality Films. I love working with them. So professionals, so efficient, so fast, the story’s so original and it’s my first horror film,” sey pa ni Shawie.
Samantala, bago ang IG Live ni Sharon ay nakapanayam siya ng ABS-CBN Sports at natanong siya kung ano ang reaksiyon niya sa panlalait ng mga basher sa pagkuha sa kanya as muse ng Magnolia Hotshots.
Kinukuwestiyon ng mga netizen kung bakit siya ang kinuha dahil ang dapat daw na muse ay bata pa at maganda ang katawan.
“Nothing. They don’t mean anything to me. I’m the one that’s here, and I was chosen by Magnolia. I didn’t volunteer. I’m their major endorser, and I think that’s understandable,” pahayag ng Megastar.
Enchong nagpapansin kay Angelica
Isa na namang celebrity ang nabiktima ng jellyfish at ito ay si Enchong Dee. Mabuti na nga lang, hindi kasintindi ng nangyari noon kay Anne Curtis na muntik nang mamatay ang aktres.
Nangyari ang insidente habang nagbabakasyon si Enchong sa Mariveles, Bataan as can be seen on his Instagram posts.
May post si Enchong na nakadapa siya sa sandy beach while enjoying the sunrise/sunset. Pero pagkatapos nito ang next post na ng aktor ay isang video kung saan ay ipinapakita niya ang mga rashes sa braso na aniya ay likha ng jellyfish.
“I wonder if there’s an actual anti-jellyfish lotion out there that works?… i love the water so much that i don’t mind being stung but when it keeps you awake at night because it’s itchy… i need to do something and be careful next time,” caption ni Enchong.
Nag-alala ang kanyang mga follower at maging ang kanyang mga celebrity friend dahil delikado naman talaga ang madikya. Pero ang nakakatuwa, bukod sa kanyang rashes, ang mas napansin yata ng mga netizen including Angelica Panganiban ay ang kanyang muscle sa braso.
“Parang gusto lang mag flex,” ang biro ni Angelica.
Sagot naman ni Echong, “baka sakali kasi mapansin mo…at least it worked.”
Ang dami tuloy na nagbigay ng kulay sa biruan nila at para raw may “something.”
Si John Arcilla naman ay nag-alala at nagpayo na dapat daw ay magamot ito agad.
“Hmm ang alam ko kailangan ng immediate medication sa ganyan… it could be really dangerous… @mr_enchongdee,” komento ni John.
Matatandaang muntik nang mamatay si Anne nang madikitan din ng jellyfish box noong 2014 na hanggang ngayon ay talagang hindi pa rin makalimutan ng aktres.