PATULOY pa ring tinututukan ang hearing sa Kongreso kung saan iniimbestigahan ang drug trade sa New Bilibid Prison.

Pero sa showbiz, na­tutukan ang reaksyon ng ilang celebrities na nabanggit sa hearing kamakalawa nang hapon.

Nabanggit si Sharon Cuneta na nag-concert daw doon sa loob. Kaagad nagpaliwa­nag na ang ginawa ng megastar sa loob ng kulungan ay nagpasaya sa mga preso bilang bahagi ng segment ng da­ting programa niya sa TV5.

Kahit si Freddie Aguilar ay nagpasabi ring nakapag-perform siya roon noong panahon pa ni President Marcos.

Pati si Mocha Uson ay nag-react din pero nakakatawa si Ethel Booba dahil ginawa niyang katatawanan ang sagot niya sa pagbanggit ng pangalan niya sa hearing.

Ginamit na lang niya ang Charotisms niya sa kanyang libro.

Sexy models, starlets tumiba sa ‘loob’

Sa totoo lang, hindi masama ang mag-perform sa loob ng NBP dahil may events talaga roon na kailangang pasayahin ang mga preso, kagaya ng Pasko o ano mang mahahalagang events na ipinagdiwang natin.

Pero ang hindi dapat itanggi ng ilang taga-showbiz, may mga ipinapasok  talagang sexy stars o  sexy models para magpasaya sa ilang ma­yayaman at influential na nakakulong sa loob.

Ilan sa mga kaibigan naming may mina-ma­nage na sexy models na sumasali sa mga bikini contest ay ikinukuwento noon pa na kumikita sila sa pagdadala ng mga alaga nila sa loob.

May isang dating sexy star na nagdadala rin ng sexy models at iba ay sexy starlets para mai-book sa loob ng NBP.

Matagal na raw natigil iyon dahil nagkahigpitan na pagkatapos mabuking ang mga ganu’ng raket sa loob.

Kaya nu’ng napanood nila ang hearing, agree silang lahat na totoong may nangyaya­ring bugawan sa NBP.

Kakaibang pelikula, ipalalasap ng LizQuen

Enrigue Gil at Liza Soberano
Enrigue Gil at Liza Soberano

Hindi pa masabi kung ano ang title ng pelikula, pero pagkatapos ng boxoffice success ng Barcelona: A Love Untold, ang LizQuen loveteam naman ang susunod na gagawan ng Star Cinema ng pelikula.

Si Cathy Garcia-Molina ang magdidirek. Isang romcom ito na ibang-iba sa mga nagawa nina Liza Soberano at Enrique Gil. First time na maidirek sila ni direk Cathy.

“This is a romcom. Alam n’yo naman ang romcom natin, nagpapa­kurot lang sa dulo. Pero we’re trying to showcase a new LizQuen.

“Laman na ng mga TV ang mga ito for the past 7-8 months, and then prior to that may movie silang Everyday I Love You.

“So, gusto sana namin, hindi sila makita na ganun pa rin.  In mind, we created new cha­racters.

“Ako, na-excite sa ipi-play nila na bagong karakter, kasi malapit sa karakter ni Quen,” saad ni direk Cathy.

Natawa sila nang binanggit ni Quen na isang womanizer ang gagampanan niya sa pelikulang ito, at nakakatawa ang role ni Liza, at excited dito ang young actress.

Bago nila gawin ang pelikulang ito, hindi pa rin malinaw kung ano ba talaga ang estado ng dalawa.

Noong napanood ng daddy ni Liza ang interview kay Enrique, kinausap si Liza ng Daddy  niya.
Kuwento ng Kapa­milya young actress, “Nalaman ko lang actually nung isang araw nang sinabi ng Daddy ko, papagalitan na niya dapat ako eh.

“Siguro nakikita niya na close na kami sa isa’t isa, at siyempre marami na kaming pinagdaanan.”

Hindi na natapos ni Liza ang sinabi niya. Si Enrique na ang nagpa­tuloy na nagpaliwanag.

“Yung sinabi ko label doesn’t mean anything kahit alam natin na of course it’s just really a team.

“I know, hindi pa masyado keen siguro ‘yung side ng family niya. They’re okay with me and everything.

“Para sa akin, until they say na okay, pag may formality na,” saad ni Enrique.

Kung si direk Cathy ang masusunod, ayaw niya sanang magkaroon ng seryosong relasyon ang LizQuen.

Mahirap daw sa kanilang pelikula kung meron silang relasyon.

“Kinu-complicate ng relationship ang  every loveteam. I’d rather work with a loveteams that are not together in real life,” pakli ni direk Cathy.

Ang hirap daw kasi sa shooting sa kanilang relasyon dahil nakakaapekto raw sa set kung nag-aaway o sobra namang sweet.

Mahirap daw gumawa ng eksena kung meron silang totoong nararamdaman sa isa’t isa.

KathNiel, No.1 pa rin

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Ayon  sa aming reliable source, malakas talaga ang pelikulang Barcelona: A Love Untold.

Nagkaroon kasi ng pagtatalo ang mga supporters ng KathNiel at AlDub kung alin ang mas malaki ang kinita noong first day of showing nito.

Ang kini-claim ng Star Cinema, naka-P23M daw sa first day ang Barcelo sa 200+ cinemas.

Kaya tinalbugan ang P21M ng Imagine You and Me nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Hindi matanggap ng AlDub na tinalbugan sila ng KathNiel.

Ayon sa aming source, P18.6M ang kinita ng Barcelona sa first day of showing nito.

Pagdating ng Sabado at Linggo, lumakas daw siya talaga. Totoong naka-P130M sa u­nang limang araw, at ang tantiya nila, baka maka-P250M ito sa entire run.

Kaya malakas ito, at napatunayang malakas pa rin ang hatak ng KathNiel sa takilya.

Dito na ngayon magtatalo kung alin sa KathNiel, JaDine at AlDub ang pinakamalakas na loveteam.

Sa aming pagkaalala, hindi ganu’n kalakas ang huling pelikula ng JaDine pero malakas ang tele­serye nila.

Malakas ang pelikula ng AlDub pero wala pa silang soap na sila lang ta­laga ang bida. Hindi basehan ‘yung Kalyeserye dahil sa Eat Bulaga ito.

Kung pag-aaralan mong mabuti base sa napatunayan ng tatlong loveteams sa boxoffice returns ng pelikula at ratings ng kanilang TV show, lamang pa rin ang KathNiel.

9 Responses

  1. Well, kung pagbabasehan naman ang endorsements, talung talo ng AlDub ang JaDine at KathNiel. Obviously, masyadong malaki ang tiwala ng mga advertisers sa lakas ng hatak sa publiko at kasikatan ng AlDub.

  2. Gorgy Rula it’s just that i don’t agree sa report mo but myself who went to some cinemas such as Trinoma, SMs in Megamall, North Edsa, Fairview sa nakita ko mas malakas yung sa IYAM kesa dito sa Barcelona di ko lang alam kung sa press release lang anyway mga producers lang naman ang nakakaalam if the movie they produce really hit the box office so di na dapat pinagtatalunan findings ko ito dahil sinubukan ko lang na makita talaga kung alin ang tumabo sa takilya.

    1. Wala namang sinabi si Gorgy na mas malakas ang Barcelona. Sinabi pa nga nia na 18.6M ang kinita talaga ng Barcelona ayon sa kaniyang source as opposed sa press release ng Star Cinema na 23M. As usual, padding pa more ang strategy ng Star Cinema para makondisyon utak ng mga tao.

      1. I totally agree with you ang ibig ko lang sabihin yung sa press release ng Star Cinema panay ang update nila sa kinita while IYAM kahit sa eat bulaga ayaw sabihin nila Joey De Leon basta ang sinabi lang malaki ang kinita.

      2. Kse po siguradong hihigitan ng Star Cinema ang press release nila sa kinita ng Bartolina este Barcelona. Remember, sinabi nila opening gross ng Barcelona is 23M , mas malaki sa opening ng IYAM na 21. something pero may mga lumalabas ng report na 18.6M talaga ang opening gross ng Barcelona haha. Mind conditioning ang strategy ng Star Cinema, padding pa more haha. Kaya mabaliw na sila sa kakahula kung magkano talaga kinita ng IYAM hehe

    2. d b kahit mga takilyera sa sinehan, nagpapatunay na mas malakas ang IYAM. ang kathniel b me fan base na senior citizen. e kahit nga mga 3 years old na bebes nanood ng IYAM. ang fan base ng aldub from toddlers to senior citizen e ang kathniel mga teens lng