Aminado ang megastar na si Sharon Cuneta na naiinip na siya na magkaapo sa kanyang panganay na si KC Concepcion.
Katunayan, para sa kanya, nasa tamang edad na si KC para magpakasal at bilang magulang, sobrang kasiyahan sa kanya na makita itong inihahatid sa altar ng kanyang magiging katuwang sa buhay.
“Inip na inip na ako. Ready na ready na akong magbihis. Parang siya iyong ano. Relaxed lang iyong anak ko, which I’m happy about seriously. She’s not in any rush. She’s not pressured. She’s just enjoying every moment of happiness,” aniya.
Boto rin daw siya sa French boyfriend nitong si Pierre-Emmanuel Plassart bilang prospective son-in-law.
“Oh, my God. If I could meet someone like him. He’s so perfect for her. When you watch them together, nakakatuwa sila, para silang may sariling language. Nagti­tinginan sila, nagtatawanan, nagkakaintindihan sila. Feeling ko lang, kapag lumalalim na iyong French, nano-nosebleed ako. But I’m happy. I’m very happy for her,” paliwanag niya.
Hirit pa niya, nakaka-relate raw siya sa kuwento ng ‘Three Words to Forever’ dahil tumatalakay ito sa relasyon ng pamilya, mag-asawa at mag-ina.
“Actually, iyong karakter namin dito, lahat kami Cristina. Si Tita Liza is Tinay. Si Kathyrn is Tin tapos ako si Cristy. So, kapag nagda-dialogue ako kay Kathryn, it’s like I’m talking to KC,” pagbabahagi niya.
Dagdag pa niya, proud din siya na napalaki niya ang daughter niya bilang isang disente at independent woman.
“I’m proud of my daughter and what she has become. Although as a parent, I wished na hindi siya ganoon kabilis na naging independent para she could still be with me,” pagwawakas niya.
Papel ni Cristy, isang babaeng nakatakdang makipaghiwalay sa kanyang asawa na napilitang itago ang estado ng kanilang relasyon para hindi masira ang kasal ng anak at selebrasyon ng ika-25 taong anibersaryo ng kanyang mga magulang ang role ni Sharon sa ‘Three Words to Forever.’
Ito ang balik-tambalan nila ni Richard Gomez, pagkatapos ang 15 taon.
Kasama rin sa cast si Kathryn Bernardo na gumaganap bilang anak nila.
Nasa suppor­ting cast din sina Liza Lorena, Freddie Webb, Joross Gamboa at Tommy Esguerra.
Mula sa direksyon ni Cathy Garcia Molina, palabas na ito sa Nobyembre 28 sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.