Sharon, iyak nang iyak sa taba!

Sharon Cuneta

PROUD ang megastar Sharon Cuneta sa malaking nabawas sa timbang niya.

Iyun ang isa sa napag-usapan kamakalawa sa presscon ng concert niya sa The Theater ng Solaire sa October 15 & 22.

Sabi ng megastar, nang napanood niya ang sarili niya sa birthday segment niya sa ASAP, iyak siya nang iyak nang makita niyang ganu’n na siya kalaki.

“Nangyari kasi noon, pumayat ako, tapos, maggi-gain ako uli. Tapos pagbalik, ‘yung rebound, mas malaki sa nawala.

“Itong huli, kung nakita n’yo ‘yung sa ASAP, ‘yung birthday presentation, nu’ng nakita ko ‘yung part na ‘yun pag-uwi ko…

‘Oh my God! Ganyan na ba ako?’

“Du’n ako nauntog. That was when I woke up. That’s really a wake up call.

“ I cried, I really cried. I really made a commitment to myself.

“In 9 months I dropped over 60 pounds.”

Ibinahagi niya kung paano siya nagpapayat na iba sa dati niyang ginagawa na crash diet.

Ngayon ay hindi na siya nagpa-pressure.

“Before I ­started ­dieting before my birthday, I gained mga 30 na naman, eh. Kaya paganu’n-ganu’n na, eh,

“Ngayon, dahan-dahan. Hindi na katulad noon na parang months, maglu-lose ako, isang month…

“Kung ano yung ­gusto kong kainin, I will not deprive myself. I will taste, I’m not even ­finished a plate of it.

“Kasi, pag dineprive mo ‘yung sarili mo, ang tendency you’ll want to parang binge after na feeling mo parang na-deprive ka. So, I stopped depriving myself.

“Minsan nga, admittedly hinahaluhan ko ‘yung mga araw ko nu’ng diyeta ko na crash,” patuloy niyang pahayag.

Nagtatanong pa siya sa mga kaibigan niyang press kung kailangan pa ba niyang magbawas.

At least ilang pounds pa ba ang ibabawas niya?

Magdadagdag pa kasi ng ilang pounds pag nasa screen ka, kaya naisip ­niyang 20 to 30 pounds pa siya magpapapayat.

***

Bukod sa concert na sobrang excited siya, gusto na rin niyang pag­handaan ang pelikulang gagawin niya sa Star Cinema.

Mukhang ito na ang pelikula nina Liza ­Soberano at Enrique Gil na ididirek ni Cathy ­Garcia-Molina.

Ang usap-usapan, ito na ang pelikulang pagsasamahan nila ni Gabby Concepcion.

Sagot ni Sharon nang tinanong siya tungkol dito, “Yung thought lang na babalik ako sa set na iba ang pangalan ko, ang character ko, may role ako, na iba akong tao.

“Tapos ididirek ako ng isang kaibigan na matagal na, tapos may kasama akong bago, na may kasama ako na matagal na matagal ko na hindi na ­nakasama, tapos maganda pa ang istorya…

“Tapos Star Cinema pa ang nagha-handle, iniisip ko pa lang… parang hindi ka na makatulog. Parang gusto mo, bukas na magmi-meeting.

“So, magmi-meeting na kami ni direk Cathy.”

Kung ito na ngang LizQuen movie, sana ­mabigyan din ng mabigat na exposure sina Sharon at ­Gabby dahil marami pa rin ang nag-aabang sa pagsasama nila uli sa isang project.

Huwag sana sila magmukhang support lang.

***

Ang isa pang ikina-excite nang husto ni Sharon sa pagbabalik concert niya ay dahil sa isa sa special guests niya rito ang anak niyang si Frankie.

Sa kanya raw talaga nagmana si Frankie na ­mahilig sa music, at napanood na si Frankie nang nag-guest minsan sa Eat Bulaga.

“She really enjoys music. She likes singing, she likes drumming, she likes playing the guitar, ang dami niyang ginagawa.

“She likes writing songs.

“I am sure she is going to die of happiness ­pagkanta niya rito,” masayang pahayag ng megastar.

Dagdag niyang ­pahayag, “Lahat ng anak ko, merong part ng ugali ko na ­meron sila. Pero si Frankie, pinakamaraming nakuha.

KC Concepcion
KC Concepcion

“Nakakatuwa kasi ba­ligtad, eh. Kamukha niya ang Daddy niya… tapos si Miel, just like me, she’s more 10 times than me.”

Pagdating kay KC Concepcion, hindi raw niya alam ang latest na kuwentong break na raw sila ni Aly Borromeo.

“Kung ano man ‘yun, hindi ko pa nariri­nig. Sana naman, huwag,” pakli ni Sharon.

Hindi pa raw nai-share sa kanya iyon ni KC at hindi raw niya pinapakialaman ang anak niya pagdating sa lovelife nito.

Pero boto raw siya kay Aly para sa kanyang anak.

“Anybody that’s nice to my ­daughter and that makes my daughter a better person, and brings her closer to the family, I will like.

“And Aly is like that.

“Saan man ­makarating ang kanilang relasyon, ­desisyon na nila ‘yun,” saad pa nito.

Sa totoo lang, ang pinaka-­close daw kay Aly ay ang anak niyang si Miguel, ­Soccer player daw kasi ito, kaya nagyayabang na si Aly Borromeo pa ang nagtuturo sa kanya.