Sharon-KC nagpangiti sa gitna ng COVID-19

Sharon-KC nagpangiti sa gitna ng COVID-19

NI: Rona Ronda

Nagkaayos na ang mag-inang sina Sharon Cuneta at KC Concepcion. Ilang linggo na rin ang nakararaan nang lumabas ang isyung nagkagalit na naman sila.

Sumabay pa rito ang intrigang may namamagitan kina Apl.de.ap at KC. Ilang beses na rin silang naispatang kumakain sa restaurant at ito ang iniisip na dahilan ng away ng mag-ina.

Samantala, sa kalagitnaan ng COVID-19, natuwa ang mga netizen ng i-promote ni Sharon ang bagong Youtube channel ni KC.

“Baby#1 has a new Youtube channel. Hope you can all support her,” caption niya sa larawan na may hastag pa na #stillmybabynomatterwhat at #unconditionally.

Nagpasalamat naman si KC sa suporta ng ina . Dahil ditto, naliwanagan ang mga netizen at mga Sharonian na nagkaayos na ang mag-ina.

Sana umano ay katulad ng ibang ina si Sharon na nag-uumapaw ang pagmamahal sa anak.

Komento nila,

@gens_megarachelle, “Sana mama @reallysharoncuneta lahat nang magulang katulad mo rin na maalaga at maunawain sa mga anak at handa siyang ipagtanggol lalo na pgnssktan. sbgay may iilan ako kaibingan na katulad mo din. kaya nga nakakaiinggit lang. love u both.”

@ifyouseekimmy, “happy that you and KC are now okay, ate shawee.”

@shaneelegisla, “Amid the crisis, this one made me smile,”

@elypotnishasha07, “Mother will always be Mother and yes it is really UNCONDITIONAL and INCOMPARABLE LOVE God bless your good, loving mothers heart mama.”

Siyempre, hindi na pinalagpas ng Sharonian at netizen na mag-subscribe sa bagong Youtube channel ni KC.