HAVEY: Nag-isang araw na dedicated sa promo ang Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang US concert tour.
Nag-opening siya sa It’s Showtime.
Nag-guest sa first anniversary ng Magandang Buhay kasama si Judy Ann Santos.
Nag-Gandang Gabi Vice at nag-tape para sa Tonight With Boy Abunda.
Isa sa mga laging itinatanong kay Shawie ay kumusta na siya pagkatapos ng kanyang madamdaming posts habang siya’y lumipad nang mag-isa papuntang US at du’n siya nag-Mother’s Day.
Kumusta na sila ni Senator Kiko na akala ng iba ay naghiwalay na sila?
Sabi ni Shawie, “OK ako, daming ginagawa. Sabay-sabay ang The Voice Kids Battle Round, ang Cinemalaya film ko at ang US Concert Tour.”
‘Yung tungkol kay Kiko, “OK kami. Normal naman sa mag-asawa ‘yung may di mapagkasunduan.
“Yung feeling mo, gusto mong hiwalayan pero wala naman kaming hindi naaayos.”
Paniwalaan na lang natin si Mega.
***
WALEY: Wala pang kumpirmasyon kung sino ang makakasama ni Mega sa kanyang pelikula sa Star Cinema ngunit nagbigay ito ng clue.
“May teleserye siya kaya kailangang maghintay muna ako,” pasabik na sinabi ni Sharon.
May humuhulang si Robin Padilla ito na magkakaroon na rin ng teleserye sa Kapamilya Network kasama sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.
May humuhula ring magiging leading man ni Mega ang Man of the Hour na si Ian Veneracion na magiging kasama niya as guest sa first part ng kanyang US Concert Tour.
Magandang subukan kung may chemistry sila doon kung sakali.
***
HAVEY: Kung may balitang Mega, meron din kaming nasagap na balita tungkol kay Marya — ang nag-iisang Diamond Star, Miss Maricel Soriano.
Isang welcome news ito lalo na sa fans ni Marya na huli pang napanood sa GMA7 teleserye ni Dingdong Dantes.
May balitang nilapitan na nina Marya ang bagong tutulong sa kanyang career at kung magkatotoo ay hindi malayong makabalik-Kapamilya na ang Inay Mary ni Lili Marlene.
Sana, totoo na ito.
Isa pa rin si Maricel sa pinakamagagaling nating aktres sa bansa.
***

WALEY: Isa pang nakaka-miss ay si Kristina Cassandra (KC) Concepcion.
Sa Instagram ay busy siya sa kanyang mga endorsement obligations at ang kanyang outreach at apostolate programs tulad ng UNICEF.
Pero kailan kaya siya ulit haharap sa camera para mapanood ng madla?
Bakit kaya hindi natuloy ang kanyang recent guesting sa Magandang Buhay?
Kapamilya natin si KC kaya nais natin ang kaligayahan at kabutihan niya lagi.
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.