EXCITING ang Cinemalaya 2017 this year dahil sa pagsali ni Sharon Cuneta sa nasabing independent film festival.
After Vilma Santos, Nora Aunor and Judy Ann Santos, heto’t si Sharon ang magkakaroon ng entry sa inaabangang pestibal taun-taon.
Bida ang Megastar sa pelikulang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha ni Mes de Guzman, na isa sa mga finalist sa kategoryang Full-Length Feature ng Cinemalaya this year.
Nakakatuwa na ang malalaking mainstream actors ay naeengganyo nang tumanggap ng indie projects.
Ang Cinemalaya ang una nilang choice para subukan ang indie cinema bilang ito ang una at pinakaprestihiyosong indie filmfest ng bansa
Ang ibang mga kalahok sa Full-Length Feature ay Bagahe (ni Zig Dulay) na pagbibidahan ni Angeli Bayani;
Unang Patak ng Ulan sa Buwan ng Mayo ni (Cenon Obispo Palomares) tampok si Rosanna Roces;
Ang Guro Kong ‘Di Maru_nong Magbasa (ni Perry Escaño) na bida si Alfred Vargas;
Respeto (ni Treb Montera II) tampok ang mga rapper na sina Abra at Loonie;
Requited (ni Nerissa Picadizo) na bida si Jake Cuenca; Baconaua (ni Joseph Israel Laban) tampok si Teri Malvar; Pacboy (ni Thop Nazareno);
At Sa Gabing Nanahimik ang mga Kuliglig (ni Lar Lionel Benjamin Arondaing) tampok sina Alex Medina at Ronwaldo Martin.
Mapapanood ang mga pelikula sa Cinemalaya 2017 (Agosto 4-13) sa CCP at Ayala Cinemas.