TULOY ang first shooting day ni Sharon Cuneta ng kanyang Cinemalaya entry na Ang Pamilyang Di Makaiyak sa Pagsanjan, Laguna this weekend.
***
Nag-last day taping na kahapon ang fantaseryeng Encantadia.
Hangga’t maari ay inipon lahat ng mga naging kabahagi ng proyekto na magsama-sama sa bonggang finale na matutunghayan sa Biyernes.
Maganda ang effort ng pag-update ng materyal, pero katulad ng sabi ng iba, iba pa rin ang original!
***
Maluwalhating nairaos ang San Isidro PAHIYAS 2017 festival noong Lunes sa Lucban, Quezon.
Dagsa pa rin ang mga dumayo.
Pagkagagandang dekorasyon sa mga bahay, lalo na ang mga nanalong entries.
Naka-post ang ilang pictures & videos ng PAHIYAS 2017 sa Facebook account ni JERRY OLEA.
***
Nang papalabas ang artists sa dressing room ng The Theater Solaire, may naringgan ang aming staff na mga nanakawan at nawalan ng gamit.
Sana, nagawan ito ng paraan at nasolusyunan para hindi madala ang artists na nagpe-perform doon.
***
Umalis na papuntang Cannes filmfest ang mga delegado ng Pilipinas.
Gaano katotoo na kulang pa rin ang pera ng ibang participants na partial funding lang ang naibigay ng gobyerno?
Beg, steal and borrow tuloy ang karamihan sa kanila sa mga kaibigan nila.
Good luck sa lahat!