Ni Alwin Ignacio
Binigyan ng parangal ang Megastar na si Sharon Cuneta sa “ASAP Natin ‘To.”
Kahit pa super star-studded ang tribute at marami talagang mga sorpresang kanyang ikinatuwa, marami pa rin ang takang-takang at gustong mahibang kung bakit ang kanyang first born daughter na si KC Concepcion, wala sa selebrasyon.
May tampuhan na naman ba ang mag-ina?
Habang plok kete plok ang kanyang mga luha, may telling statement na hindi sinasadyang mapakawalan ang super emotional Ate Shawie, “Kasi alam ko, apat ang anak ko e.”
Asan nga ba si Kristina? Pangalawang tanong, bakit sa mahabang aria ni Cuneta sa tribute parang lahat gusto niyang maging “anak” at sa post niya sa IG matapos ang mga kaganapan, ano ang dahilan bakit sina Frankie at Miel lamang ang pingangalandakan niyang mga daughter “who REALLY loves her?”
May paliwanag at paumanhin si Concepcion sa kanyang mommy dearest: “Happy birthday, mama. I’m sorry I couldn’t join the ASAP celebration for personal reasons. We may not be perfect, but in the many ways I know how to LOVE you, I have, I do and I always will. I have done all I can to help you when I could and to make you proud knowing you had me so young.
“If I fail, I’m only human and I’m sorry. But I try my best. Happiest birthday to you mama. May your light shine brighter and brighter and I will see you soon. I love you and pray for your happiness always.”
Sa mga sinulat nilang mag-ina, nagsusumigaw na meron na naman silang hindi pinagkakasunduan o kaya ay may pangmalakasang tampuhan.
Kung ano man ang pinagdadaanan nina Sharon at Kristina, nawa’y maayos kaagad. Sa lalong madaling panahon, si Concepcion, dalawin na nawa ang kanyang nanay para hindi na tumagal ang kanilang sitwasyon.