NI: RONA RONDA
Nag-donate ng isang milyon si Sharon Cuneta para sa Bantay Bata 163. Ito’y sa pamamagitan ng livestreamed birthday concert ni Regine Velasquez na nakalikom ng P4.2 million.
Bukod dito, kumanta pa ang megastar sa “One Night with Regine.”
Tungkol pa rin kay Sharon may aral na matutunan sa pagbabahagi niya ng pagkabigo sa pag-ibig Hindi umano ito ang dahilan para subukan niya ang bisyo kagaya ng pagdodroga, pag-inom ng alak at pagliliwaliw.
Una siyang nakaranas ng pagkabigo sa kanyang dating mister na Gabby Concepcion. Sa halip na aliwin ang sarili para makalimot, nilibang niya ang sarili sa pagtatrabaho.
Muli na naman kasing nag-throwback si megas sa kanyang Instagram ng dati niyang pelikula na “Pasan Ko Ang Daigdig”. Natatandaan pa umano niya na kakahiwalay lamang nila ni Gabby noong gawin niya ang 1987 blockbuster film niya.
Nanatili pa siya sa Smokey Mountain ng Tondo habang ginagawa ang movie. Aminado siyang wala siyang arte simula pa noon.
“Two weeks na kami hiwalay ni Gab tsaka lang nalaman ni Direk kasi nakasabay ko sa elevator ng condong inupahan namin ni KC si Boy C. de Guia na friend ni Lino,” ani Shawie sa comment box.
Ginamit umano niya ang trabaho bilang main distraction sa failed marriage niya. Itinuon na lamang niya ang sarili sa mga positibong bagay.
Kahit hanggang ngayon, kapag may personal umano siyang problema ay isinusubsob na lang niya ang sarili sa trabaho.