Magkasunod na nag-post sa kani-kanilang Instagram account sina Aga Muhlach at Alice Dixson para ipaalam na may pelikula silang ginagawa nga­yon at sa Nuuk, Greenland pa sila nag-shoot.

Caption ni Alice sa la­rawan nila ng aktor na kuha mula sa Greenland: “Aga” daga is my leading man sa bago kong pelikula. This is my Sunday gift to @algaofficial. The beauty that God made surrounds… Blessed Sunday! Thank you sa suporta for our movie.”

Apparently, ang AlGa ang tawag sa tandem nina Aga and Alice.

“Rebelasyon” naman ang deskripsyon ni Aga sa kanyang leading lady.

“Really had a great time working with you @alicedixson !! we have a great movie! you are a revelation in this film! Proud of you, Dixson!!” ang caption naman ni Aga sa larawan nila ni Alice na halos pareho sa ipinost ng aktres.

Sa mga nasabing larawan ay pareho silang naka-winter outfit.

Tila naiingit naman si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang komento sa post ni Aga.

“Greenland!!! Ayala Ave. lang masaya na ko anda­yaaaa! Pero wala kayong tulog noooooo?!! Hahahahaha,” ang komento ni Sharon

Ang dami namang nakapansin sa larawan na ang laki ng ipinayat ni Aga ngayon unlike last year sa pelikula niyang Seven Sundays. Tila pinaghandaan talaga ng aktor ang pelikula at kinarir niya talaga ang pagpapapayat bago nagsimula ang shoot.

Wala pang gaanong detalye na ibinahagi sina Aga and Alice tungkol sa pelikula at ang tanging nabanggit lang ng aktres in a separate post ay ang direktor nilang si Veronica ‘Roni’ Velasco.

Ang mga fan naman ng dalawang bida ay nagpahayag na excited na sila sa movie at inaabangan na nila ang showing.

Huling nagkatrabaho sina Aga at Alice noong 1991 sa ‘Joey Boy Munti: 15 Anyos ka sa Muntinlupa.’

Sofia pina­tutsadahan si Diego?

Sa Twitter account ni Sofia Andres ay may hugot siyang pinakawalan tungkol sa mga taong hindi raw happy sa happiness ng ibang tao.

“Even if we are not friends with that person anymor­e i hope he or she still respect us, our life, our new journey and know that we have to move forward. i don’t understand why some other people would always want to bring you down when they see you happy. can you let me be happy,” ang tweet ni Sofia.

Wala naman siyang tinukoy kung sino ang pinatatamaan niya pero may mga netizen na nagtatanong kung ito ba ay para sa ex-boyfriend niyang si Diego Loyzaga dahil matatandaang ibinuking ng young actor sa Instagram recently na may boyfriend siyang iba.

Bukod dito, sa isang interview recently ay inamin ni Sofia na hindi sila friends ngayon ni Diego.

“Iba po kasi talaga siguro kapag nasaktan namin yung isa’t isa nang sobra. Hindi na po namin alam kung paano magiging okay ulit,” ang pahayag ni Sofia sa kanyang panayam sa Push. com.