NI: VINIA VIVAR

Dahil sa COVID-19 pandemic, aminado si Sharon Cuneta na na-delay din ang pagre-retire niya sa showbiz. Anim na buwan na raw kasi siyang walang trabaho at ang laki na ng nawala sa kanya.

“Alam n’yo ang hirap,” ani Sharon sa kanyang latest IG Live Session, “hindi ko alam kung. . .syempre, lahat tayo, nakabitin sa nangyari sa ABS, di ba? So, we don’t know kung ano ang mangyayari.

“Well, we all have to work. Kasi, na-delay ‘yung retirement ko, anim na buwan na halos na jobless din ako. Ang laki na ng nawala sa akin. Dalawang concert tours at dalawang pelikula na so far.”

Hangga’t hindi raw nawawala ang COVID-19 ay ayaw naman daw niyang mag-shooting pa.

“Sapagkat lalabas ka, marami kang makakasama, patay!” sambit pa niya.

May nagtanong na netizen kung may plano pa siyang mag-concert tour sa New York at aniya ay gusto niya basta’t may producer.

“It would depend on the producers. But definitely, gusto ko. So, if there’s producers in New York after this virus ends, next year maybe, the year after, I don’t know when, I hope we can do a whole US tour again.

“Nakakainis, hindi natuloy ‘yung Iconic US tour namin ni Regine (Velasquez). This May ‘yun, eh,” sey pa niya.

Sa ngayon ay katatapos lang daw niyang manood ng Korean drama na World of the Married Couple.