Sharon niloko ng 2 tao na pinagkatiwalaan

Matapos magkaroon ng major eye irritation last week, nadulas naman sa banyo si Sharon Cuneta last Saturday base na rin sa kuwento niya sa Instagram.

“I thank God Almighty that I was able to perform with the one and only Odette Quesada, who gave me the gift of ‘To Love Again’ when I was 17 (and she was 18 when she wrote it!),” bungad ng post ni Sharon at pagkatapos ay ikinuwento na aksidente.

“Eto po ang nangyari kasi: I had just started taking a shower in preparation for the show’s soundcheck Sat. afternoon, ni wala pang sabon at kaka-on ko pa lang ng shower.

“I don’t know how it happened, but it was probably some soap residue that suddenly made me slip, and sa pagdulas at paupo ko, tumama ang likod ng ulo ko sa edge ng marble na parang seat sa loob ng shower na nakadikit sa wall at kung saan nakapatong lahat ng shower products namin. It really hurt.

“I screamed ‘Daddy!’ at salamat sa Diyos nasa room si Kiko at tumakbo sya at nagpanic nung nakita nya ako sa floor ng shower at nakahawak sa likod ng ulo ko,” lahad ni Megastar.

Dagdag pa niya, inaatake raw siya ng demonyo simula nang pumasok ang taon dahil bukod sa isinugod siya sa ospital dahil sa kanyang mata ay naloko pala siya ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya na hindi na niya sinabi kung sino at hindi na rin niya idinetalye ang kuwento.

“To cut this short, sabi ko mula nung pumasok ang 2020 inaatake na ako ng demonyo. Halos araw-araw may nangyayari. Sa mata kong nananahimik na pinost ko dito, at isang til now di ako makapaniwalang naloko ako ng 2 pinagtitiwalaan at minahal ko na kung kanino pati buhay ko pinagkatiwala ko.

“I insisted on going to Odette’s show. I said while Kiko held me up na mahigpit ang kapit ko sa kanya na nanginginig pa, ‘I am not letting the devil take away any more joy from me. I am singing for Odette. Mamaya na ospital!’

Kumanta raw siya ng 4 songs sa show at pagkatapos ay diretso na sa ospital at doon nga ay nakitang may fracture siya. Closely monitored pa rin daw siya ng kanyang asawa na nagte-text daw sa kanyang doktor oras-oras.

Hiniling ng aktres sa kanyang Sharonians na ipagdasal siya.

“The devil can do cartwheels until it’s winter in hell but nope – I AM NOT LETTING HIM WIN. I will do my God’s work as long as i can. Kahit nakawheelchair pa basta makakakanta magcoconcert ako! I love you all,” pahayag pa ni Megastar.