NI: MILDRED A.BACUD

Hindi nagustuhan ni Sharon Cuneta ang pagtatanong ng isang netizen na nagngangalang catherinerosario6956 sa kanyang IG account.

Inurirat niya si Mega kung saan daw ba mapupunta ang donasyon sa kanya.Kung sa account ba niya?

Matatandaang last Mother’s Day ay nagkaroon ng online fund raising concert si Mega para sa Pantawid ng Pag-ibig sa ABS-CBN 2. May pamagat

itong ‘Sharon Love and Music’ na nakalikom ng mahigit 2 milyong piso.

Sagot ng isang netizen na si happybluheart18 sa pagtatanong na ito kay Mega ay, ” @catherinerosario6956 isa ka pa!Milyonarya na si Sharon di nya kailangan ‘yan.FYI, Sharon personally donated at least 5M from her own pocket.Marunong ka magcomment, di ka marunong magbasa.May nabasa ka bang account dyan na diretso kay Sharon Cuneta?

Naka-post din sa IG ang detalyado figures na nalikom ni Sharon at kung saan napunta ito.

Hindi naman nakatiis na hindi sumagot ang Mega at sinusugan pa niya ang netizen na nagtanggol sa kaniya. Sabi niya, ” Sorry correction anak: Sabi ko pero di yata malinaw.Bilyonarya since my thirties.Nakakalungkot ang mga minamasama ang pagtulong sa kapwa na galing sa puso.Sabagay ang importante lang naman, ang Diyos ang may alam and the people who really matter to me like you.”

Muli pang paglilinaw niya, “And para sa mga judgmental na wala naman maitutulong sa kapwa, over 5M na anak na di inaannounce ang iba.”