HAVEY:  Marami ang na-bother at na-concern sa sumambulat na post ni Sharon Cuneta sa social media noong weekend explaining her absence sa Pinas at paglipad nang mag-isa papuntang U.S. May klinaro naman siyang isyu, inamin na may pinagdaraanan pero pagkatapos ay binura rin ang post at nanahimik na lamang.

Naganap ito noong Mother’s Day na nag-post ang asawa niyang si Senador Kiko Pangilinan ng pagbati kasama ang isang picture na may caption na “An awesome Mom and her children.”

Sabi ni Kiko, “Happy Mother’s day to my partner, my best friend, the only woman I will love with all my heart and all my soul. Without you I would not be the father I am to our precious child­ren and for this I will forever be thankful.”

“Know that as you go through your own journey in life I will be here beside you and even if I may not be able to solve a number of problems you face, my shoulders will always be here for you to lean on and my arms will always be available for big hugs should you feel the need for them. Always.”

“I love you dearly. Happy Mother’s Day!”

With an outpouring of love, nag-post din ang anak ni Sharon na si KC na napaka-assuring na photo nilang magkahawak-kamay na may caption na, “We’ve been through a lot together, and God knows how much I want the BEST for you! I do believe now that time truly heals all wounds. Life will never be perfect, but who wants perfect when success is sweeter after you’re powered through all the rough roads and made it through stronger than ever?”

“The rewards of having you now, with God at the center, are priceless. I love you with all my heart. I will always be here by your side. Happy Mother’s Day Mama.”

Imbes na hanapin sa kung saan saan at magfocus sa sakit at frustration na dinanas niya kung kani-kanino, Sharon just has to be grateful for all that she has and all the love that she is getting from her family and friends and supporters.

We feel for her and we love her. Kaya nalulungkot kami kapag nakakaba­lita tayo ng social media rants mula sa Megastar.

Bukas, inaasahan nang bumalik si Shawie at haharapin niya ang The Voice Teens Battle Round taping.

Wala pang bagong balita tungkol sa kanyang Cinemalaya entry, pero ang sigurado ay mag-gue-guest siya sa repeat ng concert ni Basil Valdez sa May 26 at may series of shows siya sa US at Canada bago mag-finals ng The Voice Teens.

Patuloy nating ipinagdarasal ang Megastar and we continue to wish her inner peace and happiness.

WALEY: Pagkatapos magbirthday si Julia Barretto na si Joshua ang special guest, halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa.

Kahit sa mga functions, sila pa rin ang magkasama maging sa mga commercial shoots.

Kaya nakapagtataka talaga na hindi sila ang pinagpartner sa A Love To Last at si Jameson Blake ang inilagay na ka-triangle nina Julia at Ronnie Alonte.

Nabalitaan ko na pagkatapos ng The Greatest Love dapat ay lilipat muna si Joshua sa A Love To Last habang nilalagare niya ang teleseryeng siya mismo ang bibida.

Kaso mo, nangaila­ngan ang Dreamscape ng malakas na pambalanse at katapat ng Elmo Maga­lona at Janella Salvador tandem kaya doon na muna inilagay si Joshua.

Oh well, sana na lang makagawa si Joshua ng pelikula na magpapalaki sa kanya bilang bankable lead actor.

Iba pa rin naman kasi ang TV star at movie star – at habang ang ELNELLA tandem ay nasa Regal, ang JOSHLIA ay sa Star Cinema.

Sana pampalaki at pampatindi ng kanilang kinang ang susunod na mga career moves nila, para hindi sila ma-’gone-too-soon’ agad. Sayang naman.

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

2 Responses

  1. Swerti si Sharon kay Kiko palagi nandiyan lang sa tabi tabi. Puro notario na lang, ngayon mahina ang notario kaya farmer naman. Mahina kasing abugado, kahit si trillanes hindi kinuha si Kiko. Mahusay na farmer kasi yong pinagbili niya kay Kris naglalakihan bunga. Sabi ko doon na lang siya sa gardinjng.