Ipinagdiinan ni Sharon Cuneta na wala siyang TikTok account.
Pinaa-unfollow rin ni Shawie ang TikTok profile na mukha niya ang nasa profile picture .May username ito na @reallysharoncuneta, kagaya ng handle ng aktres sa Instagram.
“WALA PO AKONG TIKTOK ACCOUNT. THIS IS NOT ME OR MINE. PLEASE UNFOLLOW,” tweet ni Sharon .
“Pakisabi rin po sa mga kakilala ninyo na hindi ako ito. Thanks so much!,” aniya pa.
Right now, meron nang 15.4K followers ang poser account. (SDC)