DIVA CHRONICLES
Alwin Ignacio
Dahil nga nagpaumanhin na si former Philippine National Police Chief Ronald “Bato” dela Rosa kay Sharon Cuneta kasi nga kinumpara ang plus size na katawan ni dating Madam Chairman sa vavavoom figure ni Beauty Gonzalez, dapat na ba siyang patawarin agad-agad?
Ang mga loyal Sharonian kaya ni Ate Shawie, makisali rin sa call for boycott sa biopic kung saan si Robin Padilla ang bida?
Iba rin si Bato, huh! Sa kanyang mga previous panayam, binanggit niyang si Cuneta ang la favorita ng misis niya kaya nga dati, umugong din ang chika na may chance na si Sharon ang gaganap bilang misis.
Hindi ko na uulitin pa ang biro ni Bato na namutawi sa kanya noong press payanig. Kung sakaling nakarating kay Cuneta ang pahayag na hindi imposible, nawa’y hindi na niya patulan lalo na nga’t may panahon sa buhay ng Megastar na siya ay tunay na Patola Queen. Heaven forbid na she is wearing the crown this time.
Ang ganitong mga pananalita, dapat niyang gawing challenge para sa sarili na kaya niyang bawasan ang kanyang timbang.
Sa true love, she is not getting any younger kaya dapat lang na she eats healthy, well planned meals and exercise.
‘Yung paghanga kay Sharon when she became a muse sa isang PBA team, dapat maging inspirasyon niya rin na mabawasan ang kanyang heft at being deliciously plump.
Lagi niyang sinasabi na maraming timbang na ang nabawas sa kanya pero dahil TV nga and film is a cruel medium, ‘pag pinapanood mo siya, magtataka at mahihibang kung nasaan ang sinasabi niya maraming poundage na ang wala sa kanyang katawan.
We must put a stop sa body shaming.
Ang tanong, tinanggap ba ni Sharon ang paumanhin ni Bato? Ano nga kaya ang kahihinatnan ng biopic niya?
(Alwin Ignacio)