WALEY: Waley kaming masagot sa katanungang, “Hiwalay na ba sina Sharon at Kiko?”
Kahit malapit ako sa mag-asawa, hindi pinag-uusapan ang ganitong kapersonal na bagay at iginagalang namin ang distansya sa personal na buhay.
Kaya pati si Juday, na kapatid na ang turing sa Megastar ay “no comment” ang sinasabi.
Between friends, nagdadamayan sila at ipinagdarasal ang isa’t isa. Hindi nanghihimasok at nagbibida-bida sa personal na isyu.
Sabi ng ating mga kapatid sa panulat, mukhang may pinagdadaanan si Shawie.
Nagre-react sila sa public posts ni Sharon sa social media.
Mula nang umalis siya at lumipad sa US nang mag-isa, hanggang sa bumalik siya after Mother’s Day at sinabing handa niyang ibuwis ang buhay niya sa kanyang apat na anak lang at hindi kasama si Kiko, nagsimula nang magtanong ang mga tao.
Hanggang noong mag-guest si Sharon sa repeat ng concert ni Basil noong weekend, may mga punchline siyang binitiwan at seemingly patawang remarks na medyo ipinagtaka ng mga manonood.
Nang mag-I Love You sa kanya ang fans niya, in-acknowledge ‘yun ni Sharon sabay sabing, “My fans have been there longer than my failed relationships combined.”
Tapos sinabi rin ni Shawie na quota na siya sa heartbreaks, tama na!
Although you’ll never know, sabi niya.
While totoo lang ang sinabi niya, patuloy pa ring nagtatanong ang mga taong nakarinig nu’n.
Nagkalabuan ba sina Sharon at Senator Kiko?
Nang tanungin ulit ako ng mga nakapanood ng concert kung hiwalay na ba ang power couple, ang sabi ko, “Relax lang po, ipagdasal nating sana, hindi.
“Basta ang alam ko, sasama pa si Senator Kiko sa US concert tour ni Shawie next month.”
***
HAVEY: Nag- launch ng kanilang 26th album ang The Company sa pamamagitan ng isang concert sa BGC Arts Center.
Dinaluhan ito ng mga kaanak at kaibigan nina Moy Ortiz, Annie Quintos-Uy, Sweet Plantado-Tiongson, Cecile Bautista-Reynoso at OJ Mariano.
Dito nakasama ng grupo ang dati nilang miyembro na si Reuben Laurente na kilala sa original version ng Pakisabi Na Lang.
Madamdamin ang puntong ito dahil nang magkasakit si OJ at kinailangang magpahinga, si Reuben na nakabakasyon sa kanyang pagiging featured artists sa isang international cruise-liner ang humalili sa kanya.
Pagkatapos ng concert, lumipad na si Reuben patungong Europa para sa isa na namang contract sa pagpe-perform sa dagat habang nasa isang cruise-ship.
Sa Feb 2018 na ang balik niya rito.
Maswerte si Reuben dahil umalis man siya, lagi pa rin siyang nakakabalik sa The Company, hindi katulad ng ibang miyembro nila na ngayo’y nganga.
Isang nakakatawang kuwento ay ‘yung vocal coach pala ni Alden Richards na si Annie Quintos ay kasama sa The Compan concert.
Siya ang nagsabi na dati pa sold-out ang concert ni Alden sa Kia Theater kaya hindi niya yun itinuturing na kompetisyon. Actually, binati pa ni Annie si Alden sa concert nila.
“Tulungan kaysa kumpetisyon, di ba?” sabi ni Annie.
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.