NI: RONA RONDA

Tagumpay ang online concert ni Regine Velasquez noong April 22 dahil nakalikom siya ng apat na milyong piso. Idinonate niya ito sa Bantay Bata Foundation ng ABS-CBN.

Iniintriga ngayon kung kakayanin kayang talbugan ni Sharon Cuneta ang kinita ni Regine sa kanyang concert?

Kung para sa 50th birthday ni Regine niya ito ginawa, si Shawie naman ay magpa-fundraising concert sa darating na Mother’s day, May 10. Ito’y pinamagatang ‘Love and Music SHARON’

Ang malilikom ay ibibigay niya sa Pantawid ng Pag-ibig ng ABS-CBN 2.

Marami ring kaibigan ang Megastar at koneksyon. Donation-wise, mukhang papantayan o hihigitan pa niya ang nalikom na donasyon ni Regine.

Matatandaan din na sa mismong concert na iyon ng Asia’s songbird ay tila barya lamang kay megastar ang magdonate ng 1 milyong piso.

Samantala, nag-react naman ang mga netizen na tigilan na ang pagkokompara sa kita ng dalawang concert .Iisa lang naman daw ang layunin nito na tumulong sa mga kababayan natin.