Sharon, sobra ang effort sa balik-alindog

Sharon Cuneta

KASAMA ni Martin Nievera sa London, England for a TFC (The Filipino Channel) event ang rumored sweethearts na sina Kim Chui & Xian Lim.

Malamang na sa Martes din ang balik sa bansa ng KimXi katulad ni Martin.

Teka! Mausisa nga si Martin pagbalik niya kung gaano ba ka-sweet sina Kim at Xian sa London.

***

Pito raw ang special screenings today sa Dolphy Theater (ABS-CBN) ng pelikulang Dukot ni Enrique Gil.

Hindi libre ang special screenings ng Dukot, courtesy raw ‘yon ng fans ni Enrique.

Bawat fan na manonood doon mamaya ay bumili ng ticket.

Dadaan daw si Enrique sa special screenings ng Dukot bilang pagpapahalaga sa kanyang fans.

***

Sharon Cuneta
Sharon Cuneta

Dahil sa The Voice Kids, sumig­la muli ang career ng megastar na si Sharon Cuneta.

Click na click si Sharon bilang mentor/judge sa nasabing show.

Si Sharon ang pumalit kay Sarah Geronimo sa The Voice Kids.

Effective na pamalit si Sharon dahil pinag-uusapan siya sa nasabing show.

Naaaliw ang fans sa mga dialogue ni Sharon sa The Voice Kids.

Ibang-iba ang dating doon ni Sharon. Napakatotoo niya na talagang nagugustuhan ng fans.

Isa rin sa tinututukan ng fans ni Sharon sa The Voice Kids ay ang patuloy na pagpayat ng megastar.

Ngayon lang naniniwala ang fans na sobra ang effort ni Sharon para pumayat.

Noon kasi, kapag sinasabi ni Sharon na pumayat na siya, may mga nagdududa pa rin.

Pero ngayon, kitang-kita na ang effort ni Sharon. Kahit hindi itim ang suot niya, obvious na ang pagbabalik-alindog ng megastar.

Kapag tulu­yang pumayat pa, babalik sa concert scene ang megastar.

Siyempre pa, matutuloy na rin ang pelikula niya under Star Cinema na ilang taon nang nakabinbin.

***

Maayos na na-explain ni Bea Alonzo ang tungkol sa duda ng marami na sinadya nilang magkita ni Paulo Avelino sa Singapore noong Holy Week.

Sa presscon ng pelikulang How To Be Yours nila ni Gerald Anderson noong Biyernes ng gabi, ipinaliwanag ni Bea na si Enchong Dee at ang isang handler ng Star Ma­gic ang kasama nila that time sa Singapore.

Nalaman lang nila na nandoon din si Paulo, kaya sila nakipagkita rito.

Ang kasama raw ni Paulo that time ay ang Singaporean friends nito, kaya halos isang araw lang sila nagkita sa bansang ‘yon.

Samantala, marami ang kinikilig sa pagsasama nina Bea at Gerald sa How To Be Yours dahil may mga umaasa na magkaroon ng second chance sa dalawa.