Ayaw patulan ni Ms. Sharon Cuneta ‘yung mga walang ginawa kundi mag-nega, but she finds it mean kapag sinasabing nagdadahilan lang siya na meron siyang sakit, just in case masapawan siya ni Regine Velasquez sa back-to-back concert nilang “Iconic”.

Ang sey ng Megastar, historically ay nagkakasakit talaga siya everytime magku-concert siya dahil sa stress, mababa ang immune system niya at pagod sa rehearsals at promo.

“I think that’s very mean, it’s very unfair, it’s very catty. Gumagawa ng gulo na hindi naman kailangan.

“I’ve always said na Regine is the better singer, but we have two different styles. I also know my strengths. We both have come so far for different reasons and those reasons are all valid,” sambit ni Mega.

Aniya, napaka-disrespectful ng mga ganu’ng komento. Sa tinagal-tagal niya sa industriya, kung maliitin daw siya ay parang wala siyang narating.

“It’s true that I have so much respect and admiration for Regine, but you know, I’m not naman a starlet who’s coming from nowhere. Ha! Ha! Ha!

“I’ve worked hard also to get where I am. So, it’s a coming together of two different quality voices, different personalities, and I hope they respect that,” pakli pa ni Ms. Shawie sa presscon kahapon ng “Iconic”.

Paglilinaw niya, walang magaganap na sapawan sa kanila ni Regine dahil hindi naman daw ito singing contest na may showdown.

Lagi niyang sinasabi na tanggap niyang si Regine ang best singer in the country. Mahal na mahal niya raw ito kaya sana ay huwag daw sirain ang magandang selebrasyon na ito.

Dayalog naman ni Songbird, hindi siya ganu’n mag-concert, na nananapaw. Team player daw siya, kaya maling sabihin ang gano’n.

‘Pag nagku-concert ay hindi raw siya nakikipag-contest. Kontesera raw siya noong araw, pero nagbagong buhay na raw siya.

“Obviously, we both have different styles. I’ve worked with other artists na iba rin ‘yung style from me. Hindi po ako nanlalamon. Hindi po ako cannibal! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Reg.

Dugtong pa ng dalawang iconic singer, magkaiba ang quality ng mga boses nila, pero ang ganda ng blending ng mga ito kaya beautiful ang kanilang medleys sa show.

Ani Regine, perfect pitch daw si Sharon. Sobrang naging paborito niya raw ngayon ang “Bituing Walang Ningning” ni Shawie, na ginawang duet at nilagyan ng bagong areglo ni Louie Ocampo. Nakakaiyak daw ito.

Isa lang ‘yon sa mga dapat abangang bosesan sa “Iconic” concert nina Mega at Songbird sa October 18 & 19 sa Araneta Coliseum.

Bianca, Ruru magkasama sa beach?

Walang post na magkasama sina Bianca Umali at Ruru Madrid pero obvious na pareho silang nag-beach base sa IG pics nila.

Kung si Bianca ay seksi-seksihan sa kanyang two-piece bikini habang nagbibilad sa may buhanginan, si Ruru naman ay naglalakad sa buhanginan din at hubad sa may dalampasigan.

Mukhang ito na ‘yung sinasabi naming bakasyon ni Bianca, na deserved niya after ng trabaho niya sa “Sahaya”.

Pigil na pigil pa rin ang dalawa at iniiwasan nilang mag-post na magkasama, although nakukunan sila ng ibang tao na magkasama.

Malamang may mga nakakita ulit sa RuCa sa beach vacation nila na ‘yon, so posibleng may maglalabasan ulit na photos nila.

Unless iniiwasan na nilang makunan together at tumatanggi na silang magpapiktyur na magkasama. Parang sina Maine Mendoza at Arjo Atayde before, na later on ay umamin din naman na magsyota.

PAK!!