Sharon umiiwas na makita si Gabby

sharon-gabby

MAY paliwanag na si Sha­ron Cuneta kung ba­kit hindi siya nakadalo sa launching ng Avec Moi jewelry line ng anak na si KC Concepcion at mas pinili pa niyang dumalo sa private dinner with President Rodrigo Duterte last Tuesday night.

Naging issue kasi ang mga post ni Sharon ng mga kaganapan sa nasabing private dinner with Digong kasama ang ka­patid na si Chet Cuneta dahil nga kasabay ito ng opening ng Avec Moi ni KC. Sa comments section ay napakaraming nagta­nong kung bakit wala siya sa event ng anak.

Sa paliwanag ni Sharon sa kanyang IG post last Wednesday, bukod sa matagal nang naka-schedule ang private dinner with the President, magiging awkward lang daw kung magkikita-kita silang tatlo (siya, Gabby Concepcion and Sen. Francis Pangilinan) sa event ni KC.

“It would’ve been awkward had I been at KC’s avec moi jewelry launch had both her papa and dad–then I–been there. Turns out her Pa wasn’t able to make it. Still, glad I didn’t go to unintentionally steal any of KC’s thunder or happiness. And KC knew I wasn’t ­going to be able to attend before dinner with the President was confirmed. Just FYI. Congrats again, KC. @itskcconcepcion,” post ni Sharon.

Tulad ng sabi ni Sharon, it turned out na hindi nga rin nakapunta si Gabby. Pero naroroon naman ang kanyang Daddy Kiko pati na rin ang Tita Angeli Pangilinan niya and some of her BFF celebrities tulad ni Judy Ann Santos.

Pero sa halip na ma-settle, mas lalong na­ging issue pa ang paliwa­nag ni Sharon dahil ang daming nagkomento na bilang magulang, dapat daw ay isinantabi muna ni Megastar ang pangsa­riling nararamdaman pa­ra sa anak. May nagsabi pang napaka-lame raw ng excuse ni Shawie dahil matagal na naman silang hiwalay ni Gabby.

May nagsabi ring pwede namang maging civil silang lahat sa isa’t isa alang-alang kay KC.

May nagkomento rin na mas maganda raw kung naroroon pareho ang biological parents ni KC sa importanteng okasyong iyon. Marami tuloy ang pumuri kay Sen. Kiko for being there para sa kanyang stepdaughter.

Pero ang mga solid fans ni Shawie ay naiintindihan naman siya’t agree naman na awkward nga ang magi­ging sitwasyon if ever na dumalo nga ang tatlong magulang.

Barbie pinamili sa abs nina Derrick at Jak

PARA kay Barbie Forteza, hindi raw nakakaapekto ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Jak Roberto sa loveteam nila ni Derrick Monasterio.

“Kasi, eversince naman, personally, ayoko naman na magpanggap na kung sino ‘yung kapartner ko, dapat i-push ko siya rin in real life,” sabi ni Barbie sa presscon ng pelikula nila ni Derrick na Almost a Love Story.

“Parang ako, iba naman ‘yung gusto ko talaga sa isang lalaki, iba ‘yung pine-pair sa akin. Na hindi ko naman nirereklamo, hindi ko naman tinatanggihan. Ginagawa ko ‘yung trabaho ko. Pero ‘pag personal, personal,” dagdag pa ng young actress.

So, hindi siya naniniwala sa usong-uso nga­yong “team real” kung saan ay natutuloy nga sa isang relasyon ang magkaka-loveteam?

“Well, kinikilig ako sa mga ganu’n, ‘yung mga eventually magkakatuluyan, pero sa umpisa, friends lang. Kinikilig ako, kasi ano ‘yan, eh. Depende siguro sa tao at sa working relationship niyong dalawa kung made-develop kayo, pero hindi ko kasi para ipilit,” paliwanag ni Barbie.

When asked kung kaninong abs ang mas kinilig siya – kay Jak o kay Derrick at sambit niyang natatawa, pare-pareho naman ang hitsura naman ng mga abs.

“Parang iisa naman kasi ang hitsura ng abs. Iba-iba ba ‘yun? Parang kumpol-kumpol lang talaga ‘yun, ‘di ba?” sambit niya.

Pero pinupuri naman niya ang dalawa sa hard work ng mga ito na magkaroon ng abs.

“Sinubukan ko rin kasi na magkaroon ng abs para sa Meant To Be, hindi ko siya na-achieve. So ina-admire ko silang dalawa sa disiplina sa sa­rili nila and sa hardwork nila sa pagwo-work-out na na-achieve nila ‘yung ganun’g klaseng katawan.

“Hindi ko naman pwedeng i-compare ‘yung katawan nilang da­lawa kasi magkaiba naman po sila,” saad pa ni Barbie.

Sa pelikulang Almost a Love Story kasi ay nagpakita ng abs si Derrick na talaga namang for sure ay magugustuhan ito ng girls and gays.

Showing na sa April 11 ang Almost A Love Story mula sa direksyon ni Louie Ignacio under BG Films International sa pakikipagtulungan ng Salento Cinema of Italy at GMA-7 distributed by Regal Films.