MARAMING ispekulasyon, kuro-kuro, at haka-haka na hiwalay na ang de kolor at puti nina Sharon Cuneta at Senador Kiko Pangilinan.
Ang diva that you love, may pinagtanungang impeachable source at ang tanging reaksyon nito, “Kasi naman…”
May semblance of truth ang tiktak ng mga chika. Bilang isang Sharonian, kung paniniwalaan ko ang aking mga nababasang opinyon at balita sa mga ibang pahayagan, pati na rin ang mga matalinhagang aria ng Megastar sa Facebook page, nakakalungkot kung totoong Ate Shawie said goodbye to her love.
Ang pagtatrabaho ang best therapy niya at tila she is employing it to the fullest.
Nakapag-shooting na siya para sa Cinemalaya film na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.
Tiyak na marami ang manonood nito sa CCP sa Agosto.
Nakapag-tapings na si Mega para sa The Voice Teens. Highly-competitive si Sharon at bilang mentor/teacher, she has more than 40 years of performing experience na puwede niyang ipasa at ituro sa kanyang singing wards.
Lilipad muli siya pa-Amerika para sa ilang konsyerto. Greatest performances of her life at sangrekwang happy memories ang ibibigay niya sa kanyang audiences sa Tate.
Sharon alone knows what is best for her, especially when it comes to the romantic/marriage aspect of her life.
Hayaan na muna natin siyang ayusin ang dapat ayusin, pull the rest of the strings at kung ano man ang resulta nito, mahigpit na yakap at pang-unawa ang ibigay natin siya.
Survivor si Sharon. That we cannot deny.
We should give her credit for surpassing all her battles.
It may have left her scarred, yes.
But, Sharon, may we remind you that scarred women are the most beautiful.
***
Ang the Other Queen P, si Paolo Ballesteros, ayaw pakabog kay Ate Shawie.
Kung may rumored breakup ang Madam Chairman, ang Transformation Queen, join sa bandwagon.
May chika ring break na sila ni Roland Ochoa Anog.
Takang-taka ang diva that you love tungkol sa supposedly breakup na ito.
Wala pang diretsong pag-amin si Ballesteros na may romansa at relasyon sa kanila nitong si Anog.
Porke ba may kasamang siyang constant na lalaki sa mga larawan, lahat tayo ay mag-I therefore conclude na kasintahan niya ito, agad-agad?
And to further thicken the plot, may nabuntis daw na babae (siempre, dapat babae) si Roland.
Ano na ang mangyayari sa mga pina-tattoo nila sa kanilang mga braso?
Ipapa-laser at ipapabura?
Ang diva that you love, nagpadala ng personal message kay Paolo tungkol sa mga tiktak na ito.
Deadma ang The Other Queen P.