UNIVERSAL ang crucifixion sa Perry Escaño’s Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa bilang worst film sa 13th Cinemalaya.

Sa mga nabasa ko, may positive feedback naman mula kay Maria Urduja Osit-Li, at ang PinoyScreen and Stage blog ni Patricia Simone Dauz, may “13 Reasons Why the Movie Stands Out” sa festival.

Mananalig ba kayo sa dalawang babaeng ito o sa mas nakararami?

Imperfect ang unang pelikula ni Direk Perry. Ang dami-dami nitong gustong sabihin tungkol sa usaping child warriors, giyera, illiteracy, at kung bakit importante ang edukasyon.

Pero lahat ng mga ito, mas maayos ang pagkalalahad sa ibang pelikula.

Bagama’t tunay na noble ang intentions nito, hindi puwedeng ikaila ang kahinaan ni Escaño sa story-telling at directorial execution.

He was overwhelmed with his material na ambitious for a first motion picture endeavor.

Siguro, kung ang pelikula niyang idinirehe ay closer to his heart at familiar na familiar siya, baka his next foray into film direction will bring about a better movie.

***

Sa Requited, kapwa mahusay sina Jake Cuenca at Anna Luna. Nabigyang-buhay talaga nila ang karakter nina Matt at Sandy. Sobrang believable sina Cuenca at Luna as formers lovers having a difficult time to reconnect and forgive each other.

Panalong moment sa movie, noong si Sandy, may-I-show at muwestra how to make subo the hotdog.

Ayun tuloy, na-elya si Matt kaya nagbatibot sa labas ng tent.

Ito namang si Matt, walang konsiderasyon. Hindi man lang humarap para ipakita ang ari-arian niya.

Iyung opening, juice colored!

Parang 300 Hours na ang biking eksena ni Matt, tapos wala pa ring nagaganap.

Inaantay ko na na may bumangga kay Matt para may ganap lang.

Ang lesson nito para sa ating lahat, ‘pag may gustong magpakamatay, huwag pigilan.

Hayaan na siya or else!

***

Moi at Sharon
Moi at Sharon

Hindi ako sure kung black comedy na bordering on the absurd, satire or magical realism ang Mes de Guzman’s Ang Pamil­yang Hindi Lumuluha.

Oo, aliw naman ang pelikula lalo na’t parang sina Donita Nose at Super Tekla ang adliban, pabibahan at pagpapatawa nina Sharon Cuneta at Moi Bien.

Hindi rin puwedeng itanggi ang pagiging tagahanga ni Direk Mes kay Ate Shawie.

Hinayaan niya lang itong ipakita sa lahat na aral siya sa Santos School of Acting — Vilma Santos at Judy Ann Santos combo.

Lethal na lethal ang pagka-hysterical, huh?!

Sa eksena ni Sharon sa libingan at sa guest house, parang gustong sabihin at ipamukha sa lahat na this is it pansit, pam-best actress ito.

Kay Mega na ang Ba­langhai trophy, kasi, ang galing-galing niya!

Wagas ang kanyang paglulupasay sa lupa, nagmumura, nagpapawis ang kili-kili, kaawa-awa!
Kahambal-hambal!

Juice colored! Hindi talaga pinigilan!

Hinayaan lang talaga!

***

Ang Alberto Monte­ras II’s Respeto ang may pinakamalaking chance na tanghaling pinakamahusay na pelikula.

Kapag hindi sa pelikula ni Direk Alberto ibinigay ang karangalan, magdadabog ang aking bangs in a major, major way.

Abra
Abra

Ibang klase ang pagkakahabi sa kuwento — mula sa nakaririmarim na kaganapan tungkol sa talamak na benta­han ng droga at patayan, ang mariing pagsampal at pagtadyak nito sa mga nanalig na may kabutihang idinudulot ang Batas Militar, ang bangis at tapang ng wikang Filipino bilang sandata, at ang pagkakaibigan nina Hendrix at Doc.

Abra played a character that is second skin to him.

He was able to give it justice and was able to pull the right emotional strings.

Ang pelikulang ito ay pelikula talaga ni Dido de la Paz.

Ibang klase ang gravitas at emotional commitment ni Dido sa mapaghamong papel.

Blood, sweat & tears, puso at kaluluwa ang ibi­nigay niya rito.

***

Humahaplos sa puso at pagmamahal overload ang coming of age movie ni Direk Thop Nazareno na Kiko Boksingero.

Ang kalakasan nito, ang kasimplehan at sinserong pagpapakita kung gaano kaimportante ang relasyong anak at magulang.

Walang hysteria. Hindi nagpipilit magpaluha o magpatawa. Puso lang.

Tumatayong parang pangalawang ina ni Kiko ang yaya niya. Panandaliang nagka-spark ang relasyon niya sa kanyang absentee father.

Sa mura niyang edad, tanggap ni Kiko ang kanyang mga katotohanan at ngayong binatilyo na siya, tuloy ang buhay.

Sa aking pakiwari, si Noel Comia Jr. ang dapat tanghaling pinakamahusay na aktor.

Bagamat bata pa siya in terms of age numbers, may emotional maturity na siya to give life to a role na hindi niya gina­wang sobrang batang-bata o bineybi ang pag-atake.

It also helps na eye candy si Noel at tila walang anggulong pangit.

‘Pag nagbinata na ito, naku, may panibagong heartthrob na maru­nong umarte ang kaabang-abang.

Kapwa mahusay sina Yayo at Yul Servo sa kanilang mga karakter dahil ang pagganap nila, saktung-sakto ang timpla. Emotionally invested sila sa roles nila without going overboard kaya refreshingly natural.

Panalo rin ang chemistry nina Noel at Servo, aakalain mo talaga na mag-ama sila sa totoong buhay.

At si Yul, parang brown-skinned Korean oppa. Makisig at kaibig-ibig pa rin. Mahusay ta­laga siyang umarte.