‘SHE IS FIRED!’

House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez at Vice President Leni Robredo

Nagbigay ng reaksyon kahapon si House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na hindi nagbitiw sa halip ay maituturing na pinatalsik si Vice President Leni Robredo bilang Housing chief.

“Considering the situation I think she is fired,” nakasaad sa text message na ipinadala ni Alvarez sa mga mamamahayag nang hingan siya ng reaksyon hinggil sa naunang pahayag ni Robredo na magbibitiw na ito bilang miyembro ng Gabinete ng Duterte administration.

Sa statement ni Robredo nakasaad na nagbitiw siya bilang Housing secretary matapos magpadala ng text message mula sa Malakanyang na nagbabawal sa kanya na dumalo sa mga cabinet meeting simula sa araw na ito.

“We received a text message last Saturday from Cabinet Secretary Jun Evasco, Jr., relaying the President’s instruction through Bong Go for me to desist from attending all Cabinet meetings starting this Monday, December 5.

This is the last straw, because it makes it impossible for me to perform my duties. Hence, I am tendering my resignation from the Cabinet on Monday, December 5, 2016,” ani Robredo.

Ayon kay Robredo, bagama’t maraming isyung hindi nila pinagkakasunduan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ipinakita nito ang kanyang suporta sa programa ng administrasyon.

“We had hoped this day would not come,” ani Robredo kagabi subalit kailangang mag-resign ito bilang chaiperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

“I had been warned of a plot to steal the Vice Presidency. I have chosen to ignore this and focus on the job at hand. But the events of recent days indicate that this plot is now being set into motion,” ani Robredo.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. na ipinag-utos ni Pangulong Duterte na huwag nang dumalo sa mga Cabinet meetings si Robredo dahil sa kanilang “irreconcilable differences” subalit wala naman umanong sinabing patatalsikin ito sa puwesto.

“Utos ‘yan ni Pa­ngulong Duterte, and the reason is there are irreconcilable differences between VP Robredo and the administration,” pahayag ni Evasco sa isang interview sa dzMM.

Samantala, sa inilabas na statement ng Ma­lakanyang mula sa Office of the Communications Secretary, nakasaad na hindi pa nila natatanggap ang opisyal na letter of resignation ni Robredo.

Sa kabila umano ng pagkakaiba ng partido ay pinagkatiwalaan ng Pa­ngulo si Robredo at itinalaga sa kanyang Gabinete.

“As a Cabinet member, the Vice President is expected to be a team player where differences in policies and issues are discussed during Cabinet meetings. The President in turn respects any decision agreed upon by his Cabinet.

“Recent events, however, showed the differences between the President and the Vice President as becoming irreconcilable and public.

“The Vice President has served our people for many years in various capacities and we wish her to continue this unhampered service to the nation to the best of her abilities.”