Sheena, charming sa BAKEKANG

Sheena Halili

DAHIL uso na naman ang mga TV remake, high time na bang i-remake ang Bakekang at si Ryzza Mae Dizon ang gaganap sa role na Charming?

Eh sino naman si Bakekang?

Si Kris Bernal? Naku, hindi na siya pwede dahil siya na ang bida sa Impostora.

Feel na feel niya ang mga pa-bikini sa karakter na “classy at bipolar”!

Si Ryza Cenon? Naku, hindi rin siya pwede dahil bonggang-bongga pa ang pagpapakahitad niya sa kabitseryeng Ika-6 Na Utos.

Si Sheena Hallili? Fabulous siya sa Destined To Be Yours at mahirap siyang papangitin.

Kasi, charming talaga si Sheena.

Parang mas bongga siguro kung ang mahusay na aktres na si Althea Vega ang magiging Bakekang dahil magkawangis ang fezlak nila ni Ryzza.