TAMPOK si Sheena Halili sa Maynila ngayong Sabado (bago mag-Sarap Diva sa GMA-7) bilang Nora, na nuknukan ng pihikan sa lalaki.

Masyadong mataas ang criteria for judging ng dalaga sa pagpili ng iibigin.

Natatagalan tuloy siya sa pagha­hanap ng minamahal.

True to life ba ito?!

Pero sabi nga nila, pag-ibig ang pumipili sa tao.

Nang makilala niya ang katrabahong si Arnel (Boy2 Quizon), biglang nabaliktad ang pananaw niya sa pag-ibig.

Ang mga hinahanap niya sa isang lalaki, wala kay Arnel.

Ano ba ang taglay nitong pambihira?

Naging maganda ang takbo ng kanilang relasyon, hanggang sa isang pagsubok ang dumating sa kanila.

Paano nila malalampasan ang tukso ng tadhana?