Shell nanguna sa dagdag bawas presyo ng langis

Nanguna ang kompanyang Pilipinas Shell na nag-anunsyo ng kanilang ipinatupad na dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayon umaga (Disyembre 7).

Sa abiso ng Shell, magtataas sila ng P0.40 sentimo kada litro ng diesel at P0.30 sentimo naman sa kerosene at P0.10 sentimong bawas presyo sa gasolina na epektibo ngayong alas-6:00 nang umaga.

Agad namang sumunod ang ilang pang kompanya ng langis tulad ng Petron Corporation, PTT Philippines, Sea Oil at Petro Gazz na katulad din ng halaga ng dadag bawas sa presyo ng kanilang mga produkto.

Inaasahang susunod na rin ang iba pang kompanya ng langis sa kaparehong dagdag bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo kahit wala pang abiso ang mga ito.

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan at ng excise tax sa petrolyo. (Armida Rico)