May asim pa talaga ang Viva Hot Babe na si Sheree. Kahit ang kalalakihan sa malamig na lugar gaya ng Baguio at Tagaytay ay kaya niyang painitin. Super hot pa rin ang alindog niya.

“Lets go! Malamig ba sa Baguio? Paiinitin ko,” caption niya sa bagong sexy photo niya sa Instagram .

Napanood namin kamakailan si Sheree bilang guest ng Clique V sa Music Museum. Hanep pa rin kung kumanta at sumayaw. Hindi maitatatwa na puwede pa rin siyang pag­nasaan talaga ng mga millennials

Anyway, ibinunyag din ni She­ree sa Instagram account niya kung bakit patuloy ang kasariwaan niya at mukhang bata. Ito’y dahil kutis-Beautederm siya na pag­mamay-ari ni Ms. Rhea Anicoche Tan.
Katakam-katam pa rin at maba­ngis ang dating ni Sheree.