Sheryl kinalasan ng batang aktor

ROMMEL PLACENTE: Nagulat kami nang pumutok ang balita na may namumuo umanong relasyon ngayon kina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales. Malaki kasi ang age gap nila. 45 ang una while 27 lang ang huli. Pero wala namang masama kung nagmamahalan sila. May kasabihan nga tayo na “age doesn’t matter”, ‘di ba? Siguro, nagka-develop-an sila dahil sa kanilang serye.

Pero ang nakakaloka, naging totoo in real life ang role ng aktres sa nasabing serye. Kasi, may non-showbiz na karelasyon daw si Jeric. Naghiwalay lang sila dahil nabisto umano nito ang relasyon ng dalawa.

Pero how true na short-lived lang ang nangyaring relasyon ng dalawa? Hiwalay na raw ang mga ito. Si Jeric daw ang nakipagkalas kay Sheryl. Tinext niya raw ito at sinabing tapusin na ang relasyon nila.

Nakipagbalikan daw kasi si Jeric sa kanyang karelasyon.

Na-realize daw kasi nito na mas mahal pa rin nito ang karelasyon ngayon.

So, kawawa pala si Sheryl, na matapos niyang mang-agaw umano, ay hiniwalayan din siya ni Jeric.

MILDRED A. BACUD: Nakakaloka nga ang balitang ‘yan ka-Cuatros na Rommel. Hindi mo kasi iisipin na puwedeng mangyari ‘yun lalo’t pagdating sa pakikipagrelasyon ay dapat careful na si Sheryl matapos mahiwalay sa dating asawa.

Nagulat din ako dahil may nagtsika sa atin na may relasyon umano sina Sheryl at Anjo Yllana. Hindi nga lang daw sure ng ating katsika kung natapos na ito kaya nabaling na ang atensyon ng aktres sa iba.

Anyway, ‘yung sinasabi ni Jeric, mahiwaga rin naman. Sino kaya siya?

Ang tanong, wala namang umaamin sa kanila kaya nanatiling palaisipan kung may katotohanan nga ang tsikang ito mga friends unless magpa-interview mismo ang sinasabing karelasyon ni Jeric.

RODEL FERNANDO: Nakagugulat nga nang mapabalita na may relasyon diumano sina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales. Of course, ‘di maiiwasan na pagtaasan ng kilay si Sheryl dahil sa layo ng agwat ng edad nila ng young actor. Hindi rin maiwasan na kantyawan ang hunk actor sa isyung ito.

Ganunpaman, sariling buhay pa rin naman nila iyan na kahit anong gawin nila ay hindi natin puwedeng panghimasukan.

Anyway, siguro nakatunog na si Jeric na puwede silang pagtsismisan kaya siya na ang gumagawa ng paraan para umiwas sa aktres. Ang problema lang, paano kung nahulog na ang huli sa kanya? ‘Yun ang magiging balakid ng young actor dahil bukod kay Sheryl ay marami pa ang nagmamahal at nababaliw sa kanya.

RONA RONDA: Baka naman na-realize ni Jeric na infatuated lamang siya sa aktres. Maaaring hindi rin nag-work ang relasyon nila dahil sa age gap nila. Kaya lang, parang naiwan naman sa ere si Sheryl, pina-happy lang ng very-very little. Biglang eksena na ang dyowa ni Jeric na non-showbiz. Well, sabi nga nila kung paano mo nakuha ay ganoon din siya aagawin sa ‘yo.

Kung sabagay, if ever totoo ang tsismis, mas okay na naghiwalay na sila habang maaga. At least hindi siya masasaktan nang sobra. Siyempre, kapag bagets pa ang jowa mo at kasing hot ni Jeric, baka mas ma-stress ka lang nang todo.