Matagal-tagal na rin na wala halos nababalita tungkol sa isa sa mga itinuturing na Goddess among the South Korean actresses na si Shin Min Ah. Para na rin itong nag-hiatus sa career.
Although ang huli niyang ginawa ay noong isang taon lang, but it was aired early of 2017, ang “Tomorrow, With You” na ipinalabas sa tvN at nakapareha niya ang South Korean actor na si Lee Je-hoon, until now ay wala pang nababalitang bagong drama na gagawin niya.
Ang binalikan ni Shin Min Ah ay ang paggawa ng pelikula. Pagkatapos ng apat na taon, her last was “A Quiet Dream” na nag-cameo lang siya, nagka-comeback nga siya sa Korean film na “Diva” bilang si Lee Young at ipalalabas sa 2019.
Siya rin ang cover girl ng Marie Claire Magazine at dito nag-open-up ang actress na naging mahirap sa kanya ang taong 2018.
Ayon dito, “This year felt as though I went on a memorable journey. I only focused on my work, and it wasn’t an easy time, but I felt alive because of it. It was an emotion that I can’t fully express just by saying that it was fun.”
Walang saktong sinabi si Min Ah kung bakit niya nasabi na hindi naging madali sa kanya ang taong ito. Hindi rin naman nabanggit sa lumabas na artikulo sa soompi.com kung may kaugnayan din ba ito sa relasyon niya sa South Korean actor na si Kim Woo Bin.
Si Min Ah ay in a relationship sa South Korean actor na si Kim Woo Bin. Since 2015 ay sila na pero last year, Woo Bin was diagnosed of cancer at in hiatus talaga sa kanyang showbiz career.
Walang nagsalita sa kanilang dalawa sa pinagdaanan nila sa sakit ng actor, pero may ilang news na lumalabas na bilang girlfriend, inaalagaan ito ng aktres. May nabasa naman kami kamakailan na diumano’y break na sila, pero both Woo Bin and Min Ah and their agencies are not confirming or denying it.
Sa interview pa rin ni Shin Min Ah sa Marie Claire, positibo naman ito sa pagsalubong sa 2019.
Nang tanungin ito kung ano ang mga hopes or expectation niya sa darating na taon, sey niya, “No matter what I do, I want to constantly search for fun and joy in my life, so that I can be happy.”