SHINee Jonghyun, nag-hit ang album kung kailan namatay

shinee

Sayang at hindi na naranasan ni Jonghyun ng boy group na SHINee ang makasama at makita ang pangalan niya sa Top 200 ng Billboard charts. Ang kanyang posthumous album na Poet Artist ay nakapasok sa 177 ng Billboard.

Si Kim Jonghyun ang lead vocalist ng SHINee kunsaan, napakaraming hindi makapaniwala at sobrang nalungkot sa naging pagpanaw niya noong December 18, 2017 dahil sa pagpapatiwakal sa pamamagitan ng lason dulot ng carbon monoxide.

Bago mag-commit ng suicide, may natapos na solo album si Jonghyun na ni-released noong January 23, isang buwan lang halos mula nang mamatay ito. Kasabay rin nito ang music video na ginawa na niya, ang Shinin’.

Hindi madaling makapasok sa Top 200 Billboard charts at 10 K-pop acts pa lang daw ang nakagagawa nito, kabilang na ngayon si Jonghyun sa apat na soloist.

Ngayong linggong ito nakapasok sa Top 177 ang posthumous album ni Jonghyun kunsaan, nakapag-released na ng 5,000 equi­valent album/units at ang 4,000 ay sa pamamagitan ng traditional sales talaga. Nakuha rin ni Jonghyun ang top spot sa Billboard world album charts, dahilan kung bakit bumaba sa naturang spot naman ang isa pang Korean boy group na B.T.S.

May lamang 11 tracks ang album na ito ni Jonghyun kabilang na ang Shinin’ at Before Our Springs.  Ang kanyang label na SM Entertainment ang formal na nag-anunsiyo na lahat ng kikitain sa album ay ibibigay sa ina ng K-pop singer. Pero bukod pa rito ang plano nilang magtatag ng foundation. Ang natu­rang foundation ay para makabuo ng organisasyon para makatulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga may pinagdadaanan pagdating sa kanilang mga emosyon.

Depression ang pinaniniwalaang dahilan ng pagpapakamatay ng singer. Ito ay sa kabila na marami ang humahanga sa kakaibang musicality niya. Pinupuri rin siya sa pagsusulat niya ng kanta. Karamihan nga sa mga kanta niya sa album ay siya mismo ang nagsulat.

Kasama rin siya sa listahan ng “Insight Korea” bilang isa sa mga idol group members na “born to make music.” ‘Yun nga lang, tinalo rin si Jonghyun ng depression.

Natuwa naman ang ilan sa mga fans na hanggang ngayon ay nagdadalamhati pa rin sa biglaang pagpanaw ni Jonghyun sa naging official announcement ng SM Entertainment noong January 26.