“Shoot to kill na lang, on site.”
Ito ang reaksyon ni House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez kung hindi maipasa ang death penalty na kinokontra ng Simbahang Katoliko at mga pro-life advocates, hindi lamang sa loob ng Kamara kundi sa labas ng Kongreso.
Sa press briefing kahapon, inamin ni Alvarez na kabilang ang death penalty bill sa pinag-usapan sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) kamakalawa sa Malacañang.
Gayunpaman, sinabi umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung ayaw ipasa ang death penalty ay wala umano itong magawa.
“Kung ayaw ipasa, ayaw ipasa, patayin lang,” ani Alvarez kaya nilinaw ng mga mamamahayag kung ito ang pahayag ni Duterte subalit sinabi ng Speaker na personal na opinyon lang niya ito.
“Kung kayo tanungin ko, mayroong death penalty na may proseso o patayin na lang ‘yung mga kriminal?” tanong pa ni Alvarez na dismayado umano sa mga kontra sa pagbabalik ng parusang kamatayan porke hindi naranasan ng mga ito na mabiktima ng karumaldumal na krimen.
Inihalimbawa ni Alvarez ang kaso ng isang babaing nahuli kamakailan sa Mindanao na sangkot sa kasong pedopilya kung saan maging ang isang taong gulang na batang babae ay kanilang inabuso.
“‘Yung ba kayo, gusto n’yo bang buhayin ang ganu’ng klaseng tao? Pati one year old inaabuso. Reklamo kayo ng reklamo ng EJK, tapos eto (death penalty) dadaan sa proseso, lahat ayaw n’yo pa din hindi ko maintindihan dun ‘yung ano…,’” ani Alvarez.
“Shoot to kill na lang lahat ‘yan, on site. When you commit a crime ‘di ba, bakit n’yo ba hulihin ‘yan?” dagdag pa nito kapag hindi naipasa ang nasabing panukalang batas dahil kailangan aniyang maparusahan ang mga taong gumagawa ng karumaldumal na krimen.
“Due process, hearing, lahat, bubuhayin mo. May sira na ang ulo n’yan eh… ‘yan ba kayang gawin ng mga taong matino. Those are evil deeds, walang awa, tapos tayo maawa sa kanya?” ayon pa kay Alvarez na ang tinutukoy ay ang nahuling pedopilya.
Nang tanungin si Alvarez kung sa tingin nito ay “justified” ang pagpatay ng mga vigilantes sa mga kriminal sumagot ito ng “…tingin ko oo, that is my personal view.”
Kaya lang umano maingay ang mga komokontra sa death penalty ay dahil hindi pa biktima ang mga ito ng karumaldumal na krimen. “Sige nga mangyari sa buhay nila ‘yun tingnan natin kung ayaw pa nila ng death penalty,” ani Alvarez.
Kinastigo rin ni Alvarez ang Amnesty International sa kanilang report ukol sa EJK dahil nakikialam umano ang mga ito gayung may sariling soberenya ang Pilipinas at hindi sila ang nagdudusa sa mga krimeng ginagawa ng mga kriminal.
“Huwag silang makialam kasi tayo naman ang apekto, hindi sila, huwag silang makialam,” dagdag pa ni Alvarez.
Oo tanga shoot to kill pero isama mo rin mga kriminal na pulis kasama bodyguard ng mga politikong kagaya mo. Para kang si satanas kung maglabas ng statement
maganda yang shoot to kill!! sana unahin yung mga corrupt na kriminal sa gobyerno na katulad mo!!n wahahaha
narinig nyo ba ang mga pahayag ng demonyong digonggong laban sa katoliko? palalampasin na nmn ba nating mga katoliko ito? puro kaduwagan na nmn ba ang mga pilipino???
Tama na patayan dahil ang mga pinapatay ay puro mahihirap lang at masakit din sa mga kamag-anak ang mamatayan sila. Economy naman ang atupagin ninyo. Bawat member ng cabinete walang bukang bibig ay puro patayan. Shoot to kill ng Shoot to kill. Economy naman atupagin ninyo at hindi yun maghanap ng mahihirap para ipatumba kahit walang kasalanan.
Yari na naman ang mga mahihirap dahil siguradong baril ditto at baril doon ang gagawin at sasabihin criminal tapos maglalagay ng baril or kutsilyo.
Kung ganyan katwiran nya patayan na lang, edi wala ng silbi ang batas at ang husgado, bakit pah? kung papatayin lang dn, edi labanan na lang, edi gera na rin lang mangyayari, meaning anybody can kill, meron ka mang nagawang krimen o wala, kase whose to say kung krimen ginawa mo o hindi, on the spot na sintencya,,,kaya mangyayari any one can be killed and anyone can kill,, o edi gera ang kakauwian non…mga bobo,,,sayang lang pagkakaupo nyo jan, me masabi lang kayo, kahit na hindi na pagisipan ang magiging bunga nito…..Kaya dapt siguro lagi ka ng maydalang baril,,,para naman maipagtangol mo sarili mo kahit kanino…
SHOOT TO KILL DIN KAY ALVARES AT MGA KAANAK NYA!!! TAENA NYA!!!
shot to kill nalang agad palamunin lang yan pag kinulong, makakapag pyensa pa mga yan, pera2x lang labanan ngaun..
Sayang… may pa gawa gawa pa kayo ng batas na para kayong napakatatalino at kada pasok nyo sa upisina ay nauubos ang pera ng bayan sa inyo bago di nyo nmn susundin ang mga ginagawa ninyong batas, baril na lang ng baril ka ninyong magagaling at ang mali ay yung nagsasabi na sundin ang proseso ng batas. anong klaseng mga mambabatas kayo? puro yabang tulad ng presidente ninyo???….
Parang labanan sa OK Corral ang gustong mangyari sa bansang Pilipinas. Ito namang si Pantalon, huwag daw makialam ang AI. Ulol! Isa ang Pilipinas sa kasaling bansa sa AI. Paano naging Speaker of the House ito? Talagang matindi ang krimen na ginawa nung isang babaeng nahuli sa Mindanao pero ang hindi sinabi ni Pantalon ay kung saan nag ugat ang kasamaan nung babae. Mula pagkabata ay inabuso na siya ng kanyang mga magulang. May trauma na yung babae na ang dapat ay gamutin pero walang kakayahan ang gobyerno natin na gawin ito. Walang proteksyon ginagawa ang gobyerno at kung may batas man ay hindi pinaiiral dahil abalang abala sa pagpapayaman sa pwesto ang mga opisyal ng gobyerno.
IPAKAIN NA LANG KAYA SA BUWAYA NI DIGONG (SI ALVAREZ) HEHEHEHEHE
‘YUNG GOBYERNONG ITO PURO PATAYAN LANG ANG LAMAN NG ULO
WALA BANG MAG-IISIP NA PARA SA KABUHAYAN NAMAN PARA MABUHAY NG MAAYOS,
KUNG MAAYOS ANG PAMUMUHAY AY MAKAKA-IWAS SA GAWAING ILLEGAL
KAYA DAPAT ANG HIGIT SANA PAG-TUUNAN AY HANAPBUHAY,
ITO ANG MAS KAILANGAN AT MAKAKABAWAS YAN SA MGA PAGDAMI NG KRIMINAL.
SA NGAYUN KSE, MADAMI ANG GRADUATE SA COLLEGE PERO WALANG TRABAHO?
PERO KAMING MAKA-DUTERTE AY WALANG PAKI-ALAM SA PROGRAMANG PANG-KABUHAYAN, GUS2 NAMIN PURO PATAYAN TULAD NG PAG-IISIP NG AMO NAMIN NA SI DIGONG KSE PURO KAME SIRA ULO ..HEHEHEHEHEHEHE
..
Iyak ng iyak ang mga kababayan natin, napatay anak at asawa nila narape ang anak nil ninanakawn sila binaril sila , binato sila, walang trabaho ang palaging hingi nila katarungan. Sa mga idiot ang hinhanap katarungan sa mga kriminal. Paano ang mga victima hindi nila katarungan. Pero tingnan mo ang human right activist yong mga biktima wala sila salita kapag ang kriminal ang dakdak nila walang katapusn. Ano ba ang gusto nila katarungan ng naapi o katarungan sa nangaapi. Pakinggan ninyo ang sinasabi ni De Lima, hontivirus, trillanes katarungan daw sa mga kriminal. Those idiot are pain in the ass.
(MAY)TAMA KA – KAYA NGA KAPAG NAKITANG ‘STUPID’ – SHOOT TO KILL AGAD
KAYA MAG-SUOT KA NA NG BULLET PROOF VEST KAPAG NASA KALYE KA HEHEH
Para tumino ang pilipinas. Bawal na ang manungkulan sa kahit anung posisyon sa gobyerno ang bobo. Dapat excellent sa academic sa kanyakanyang field ang ipasa ung batas.
Kapag mayaman o maimpluensya. Suspect pa lang yan. Di pa kriminal. Kapag mahirap ka at naituro ka ng isang gago na kaaway mo. Patay durugista ka. Shoot to kill ka. Kaya. BOBO mga tao eto. Paurong. Bawal na ngayon sa mundo ang khit mag mura lang. assault na yan. Pumatay pa ng tao. Demonyo talaga sa lupa
shoot to kill sa lahat ng gun-for hire,shoot to kill sa lahat ng police killers, shoot to kill sa mga drug lords,shoot to kill sa mga kawatan,smugglers,rapists at tax evaders. Mga pulis na matitino sige umpisaan niyo na and shoot to kill sa lahat ng kriminal kasama na ang mga tiwaling kabaro niyong mga pulis itumba niya na rin sila para tumahimik na ang bayan!
Dapat shoot to kill din yong mga tongressman at senatong na corrupt. Sila ang ugat ng kahirapan at mga salot sa lipunan. Isama na rin yong mga governor at mayor na corrupt. Dapat sila ang maunang shoot to kill, para hindi pamarisan.
isama mo na rin, ang executive office, mga kalihim, lahat ng corrupt ng government employees and officers, isama mo rin, yung pagsasamantahin ang pagkakataon para pumatay ng kaaaway,,,may matitira pa kaya?