Binigyan ng 24-oras na ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. at anak nitong lalaki para sumuko at kung hindi susunod ay inutos ang “shoot in sight” laban sa mag-ama.
“Today, President Rodrigo Duterte demanded the surrender of Mayor Rolando Espinosa Sr., of Albuera, Leyte, and his son, Kerwin Espinosa on the grounds of drug-trafficking and coddling, within 24 hours, otherwise, an order of ‘shoot on sight’ will be given if they resist and endanger the lives of arresting police officers,” nakasaad sa statement na ipinalabas ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.
Nag-ugat ito sa pagkaka-aresto ng dalawang bodyguard at tatlong empleyado ni Espinosa sa isang buy-bust operation dakong alas-5:30 ng hapon noong Huwebes (Hulyo 28) sa isang tennis court na malapit sa bahay ng mag-amang Espinosa na naninirahan sa isang compound.
Nasamsam sa kanila ang 237 gramo ng shabu na may street value umano na P1.9 milyon.
Apat pang mga tauhan umano ni Espinosa ang nakatakas sa pamamagitan ng pagpasok sa bahay ng kanyang anak na si Kerwin at isinara ang gate nito para hindi sila maaresto.
Hindi na umano nasundan ng mga operatiba ang nakatakas na mga suspek matapos na pumasok ang mga ito sa bahay ni Kerwin.
Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu sa halagang P300 mula subalit nang ideklara umano nito na buy-bust operation iyon ay nagtakbuhan na ang mga suspek sa iba’t ibang direksyon.
Kapag nakita, barilin na kaagad? Hindi ba labag sa karapatang pantao ang ganyan? Nasa saligang batas ba ang basta na lang patayin ang isang tao ng walang proseso?
sa palagay mo tao pa ba ang mga yan?hahaha magisip ka nman po! tao ang may karapatan sa proseso pero kapag naninira ka ng tao dahil sa droga, sa tingin mo 100% pa bang tao ang mga pusher at adik???hahaha para sa TAO po ang batas. kapag tao ka matino ka at sumusunod ka sa batas!kapag asal hayop ka di ka na 100% na tao!!hahahaha